"Hey kid, anong pangalan mo?" Tinanong ko yung batang dinala ko sa office at nakita ko lang sa park. He seems lost. Hanggang ngayon tinatanong ko parin sya kung sinong guardian or parents nya.
"My Mom told me not to tell my name to strangers." Sagot nito. Aba, englishero ang bata.
"Patrick, sino ba yan?" Lumapit sakin ang manager kong si Via at tinanong ako kung sino yung batang kinakausap ko.
Maraming na-curious at nakisali samin. Lahat kami nakapalibot sa batang lalaking iyon. Lumuhod ako sa harapan nya hanggang sa maging kapantay ko na sya. Habang pinagmamasdan ko yung mukha nya, unti-unti akong namamangha. Cold yung dating nya pero gwapo.
"Pat, Hindi mo ba napapansin?" Bungad ng isang staff sa office na lumapit samin. "Parang kamukha mo yung bata."
"Oo nga." Nakisang-ayon naman ang lahat sa kanya. Somehow nakikita ko nga ang sarili ko sa batang 'to. Pero coincidence lang siguro yun. Hindi lang naman nag-iisa ang mukha ko sa mundo, hindi ba?
"Kamukha ba kita?" Tinanong ko yung bata sabay tawa. Imbis na sumagot ay tinitigan lang ako nung bata. Halos matunaw na ako sa titig nya. At yung titig na yun, titig ng nangingilala. "I'm Patrick. Patrick Jean Romero." Pinakilala ko na ang sarili ko. Inilahad ko sa kanya yung kamay ko at hinintay na tanggapin nya ito.
"You know what? You look like my Dad." Nanlaki ang mga mata ko dun sa sinabi nya. Nakakapagtaka pero paano ko naman naging kamukha yung tatay nya? Tapos kamukha ko pa sya... Are we related to each other?
"Eh sino ba yung tatay mo?" Buti nalang talaga at nakakaintindi sya ng Tagalog. Laking America yata 'tong batang 'to. Napapaisip talaga ako kung sinong mga magulang nya.
"My Mom hasn't told me yet. Picture lang yung pinakita nya sakin." Sambit pa nito. Nakakapaisip lalo 'tong batang 'to. "I badly want to go home."
"Eh saan ka ba nakatira?"
"I don't know our address. We just move here in the Philippines." Sinasabi ko na nga ba. Hindi laking Pilipinas 'tong batang 'to.
"Well, I guess you have to tell me kung anong pangalan mo so that I can find your guardian and take you home."
"Cloud!" Mabilis na sagot nito.
"Huh?"
"My name is Jean Cloud Villanueva."
--------------------------------------------------------
So this is the book two of my story entitled, The Celebrity Dad. Sa mga nakabasa na ng librong yun, good for you. Pero sa mga hindi pa, sorry but you have to read that para malaman nyo ang unang nangyari bago ito.
Same characters. May nadagdag lang.
Sana suportahan nyo parin ito. I dedicate this story to all of you. Sana maging maganda ang kalabasan ng kwento. At sana matapos ko ito. (So help me God). Feel free to give some feedbacks and suggestions.
-CutieBubbletea94