46

2.6K 66 5
                                    

Returning Memories


Trixie's POV

Tatlong beses kong narinig na ang pagtunog ng doorbell namin. Hindi ako nagmadaling bumaba para buksan yung gate. Malay ko ba kung sino yun. Tsss! Abala sa beauty rest ko.

Hindi pa ito nakuntento at talagang umilit pa ng limang beses. Naririndi na ako sa doorbell na yun!

"Sandali naman!" Sigaw ko habang naglalakad papunta sa gate.

Pagbukas ko ng pinto, isang di inaasahang tao ang nakita ko.

"Babe," sambit ko. "Hindi ka naman nagpapasabi na pupunta ka. A-Anong meron?"

"Trixie, we need to talk." Aniya.

Parang kinakabahan ako sa tono ng pananalita nya. Sobrang seryoso pati mukha nya hindi maipinta. Napakahirap basahin ng expressions ng mukha nya. Feeling ko tuloy may hindi magandang mangyayari. Whatever it is, hindi dapat ako matakot.

"Pasok ka." Sabi ko.

Nauna syang pumasok sa loob ng bahay ko at ako naman ay nahuli dahil sa pagsasara ko ng gate.
Pagpasok ko, nakita ko syang nakatayo at nakatulala. Tila ang lalim ng iniisip. May nangyari kaya? Hindi ko maiwasang mapaisip. Ngayon ko lang sya nakita nagkakaganyan.

Lumapit ako at tumayo sa harapan nya pero parang wala lang syang nakita. Patuloy parin syang nakatingin sa isang direksyon at sobrang bigat ng bawat paghinga nya. Ngayon natatakot na ako.

"Babe, kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

Sa wakas ay napunta rin sakin ang atensyon nito. Pero hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko nang titigan ko ang mukha nya. Namayat sya at ang itim-itim na ng ilalim ng mata nya.

Ilang araw na akong walang balita sa kanya. Nitong mga nakaraang araw, pabalik-balik ako sa bahay nila pero nandun si Ate Bianca at parating sinasabi sakin na ayaw tumanggap ng kahit na sinong bisita ni Patrick. Naiinis pa nga ako kasi akala ko tinataboy lang nila ako dahil nung una palang, ayaw na nila sakin para kay Patrick. Lalo pa nung naging Boyfriend ko na sya.

"Gutom ka ba?" Muli kong tanong habang pinipilit ko ang sarili kong ngumiti kahit na alam kong may mali. Ngunit sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko sya narinig na sumagot. Tumawa ako at hinawakan ko yung kamay nya. "Ang weird mo ngayon. Baka nga nagugutom ka na. Halika, ipagluluto kita-----"

"Trixie," napatigil ako sa paghatak sa kamay ko nang seryoso nyang tawagin yung pangalan ko.

Nilingon ko sya. Itinago ko yung takot na nararamdaman ko.

"A-Ano yun? Patrick, may problema ba?" Kabado kong tanong.

"Anong alam mo?" Agad na namilog ang mga mata ko nang tanungin nya ako nun. Hindi man ako sigurado sa kung anong ibig nyang sabihin dun pero pinawalang bahala ko nalang iyon.

"Anong alam ko saan?" Kunwaring natatawa ako pero ang totoo, ngayon palang takot na takot na ako.

"Anong alam mo sa nakaraan ko?" Tanong nya. Napatigil ako sa pagtawa ko at napatingin nang direkta sa mata nya. Natahimik ako, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "Alam mo ba kung anong meron samin ni Sowee noon? Nung hindi pa ako nawawalan ng ala-ala?"

Mariin akong napapikit. Ito na nga ba yung araw na kinakatakot ko. Ito yung araw na hinihiling ko na sana ay wag nang dumating pero dumating parin.

Nakita kong kumuyom yung mga palad nya.

"Damn it! Magsalita ka naman, Trixie! May alam ka ba tungkol samin ni Sowee!? Sa nakaraan namin!?"

"Yes." Mahina kong sagot.

That's My Dad! (Book 2) [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon