36

2.1K 39 5
                                    

The Rivals


Trixie's POV

Ilang buwan lang akong nawala. I just went to Korea para sa photoshoot ko sa isang magazine. Then what? Pagbalik ko nandito na sya?! What the hell does she want at bumalik pa sya sa buhay namin? Sa masayang relasyon namin ni Patrick!

Bakit bumalik pa ang basurang sa pagkakaalam ko ay dinispatsa ko na!?

Damn! Bwisit talaga yung bruhang yun. I didn't expect na babalik pa sya after all these years. Limang taon syang nawala tapos para lang syang kabuteng bigla nalang sumulpot ngayon? At talagang sa lugar kung nasaan pa si Patrick ha? What a small world nga naman. Or should I think na sinadya nya talaga?

Hmmp! Hindi talaga sya marunong madala. Pinaalis ko na nga sya tapos ngayon nandito nanaman sya? Sa tingin ko kailangan ko nanaman syang ilayo kay Patrick. Hahayaan ko pa ba silang magkabalikan? Ngayon pa kung kailan nararamdaman ko na yung pagkapanalo ko?

"Hey babe!" Sigaw ko nang agad akong makarating sa station nina Patrick. Katatapos lang ng interview nya today kasama yung bata na makakasama daw nya sa isang upcoming movie.

Sino naman kaya yung batang yun? Napakabilis talagang makadiskubre ng management nila. I'm just wondering kung saan nila nakuha yung cute na bata na yun.

Anyway, hindi naman yun ang pinunta ko dito. Yung Boyfriend ko. Yup! He's my boyfriend now. Ever since nang umalis yang si Sowee, after a year, naging kami ni Patrick. Kaya nga laking pasasalamat ko nalang nang kusa syang lumayo. At least alam nya kung paano lumugar diba? Hindi sya bagay sa mundo namin. Kung baga sa mga uri ng halaman, isa lang syang damo. Isang damo na naliligaw ng landas at pilit n pinagsisiksikan ang sarili nya sa mga uri namin.

"Nakaka-stress. Ayoko na muna syang isipin. Nakakadagdag wrinkles lang. Tsss!" Bulong ko sa sarili ko sabay flip ng hair habang naglalakad papalapit kay Patrick.

I think five months akong nawala and I missed him so much kaya babawi ako nang sobra. I need to spend a lot of time with him.

"Babe?" May pagtatakang sabi ko habang nakatingin sa kanya. Isang bagay lang ang napansin ko, kanina ko pa sya tinawag pero hanggang ngayon hindi parin nya ako napapansin. Not even now na kaharap na nya ako. Nakatulala lang sya habang nakaupo sa labas ng office ni Alice. "Patrick!" Hindi ko na naiwasang sumigaw. Napaka-weird nya kasi simula nung bumalik ako.

Ever since nung umuwi ako, nagkaganyan na sya. Parating tulala, wala sa sarili at akala mo'y bingi at walang pakialam sa mga sinasabi mo. These past few days, Panay ang kwento ko sa kanya. Akala ko naman nakikinig sya pero ang totoo, out of place nanaman pala sya.


"Trixie? Kanina ka pa dyan?" Tila gulat na gulat ito nang makita nya ako. Seriously, hindi nya talaga ako napansin?


"Actually, oo. Kanina pa ako dito. Pero mukhang mas may pakialam ka naman dun sa kung anumang tinitingnan mo. Aalis na lang ba ako?" Mataray na tanong ko.


"I'm sorry, Trixie. Stress lang ako sa trabaho."


Trabaho? Psss! Don't make me laugh. Pasalamat ka't mahal na mahal kita kaya hindi ko magawang magalit sa'yo ng sobra. I love you more than anything else kaya hindi ko hahayaang mawala ka sakin, Patrick.


"Wait a minute. Did you just call me by my name? Hindi mo na ako tinatawag sa endearment natin! What's happening to you?" Inis na tanong ko.


"I'm sorry, babe." Yun lang ang sinabi nya tapos umiwas ng tingin sakin.


He's too obvious. Hindi ko tuloy maiwasang uminit ang ulo dahil sa mga kinikilos nya ngayon. Hindi kaya tama ang hinala ko?

That's My Dad! (Book 2) [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon