22

2.6K 52 4
                                    

Stranger




Sowee's POV




"I'll see you later." Sambit nya bago nya paandarin yung kotse nya. Kahit sino talaga hindi sya makilala dahil sa suot nya. Daig pa nya ang nakakaranas ng winter season sa sobrang balot-balot yung damit nya. Isama mo pa yung bonet at sunglasses nya. Oo nga, gwapo naman eh pero hindi ko naman sinabing ihatid nya pa kami ni Yanna sa gate ng school at ipahanga yung itsura nya. Sya na ang gwapo. Sya na talaga! "Two minutes."

"Ha?" Ayan nanaman at natatanga nanaman ako.

"Two minutes times twenty. Additional forty pesos sa utang mong eighty pesos sakin kagabi. Inorasan kita. Dalawang minuto ka nang nakatitig sakin kanina. Hindi mo ba talaga maiiwasang mapatingin sakin? Sabagay, sino ba namang hindi matutulala sa gwapo kong 'to?" Ang hangin talaga. -__-" Maya-maya pa'y sinahod na nya yung kamay nya sakin.

Haist! Sowee Franchelle! Pigilan mo ngang tumitig sa lalaking yan! Dadami ang utang ko nito eh. No choice naman ako kundi ang kunin yung wallet kong malapit nanamang maubusan ng laman. Kainis! Bakit ba kasi ang gwapo nitong mokong na 'to? Ay! Sinisi? Loka-loka ka talaga Sowee.

"Teka, anong utang? Anong twenty pesos?" Singit naman ni Yanna. Kanina pa siguro sya na-OOP samin ni Patrick. Hindi naman kasi nya alam yung tungkol sa rules namin. "Hey, Yanna here! Magsalita naman kayo!"

"Eto na! 120.00, umalis ka na bago pa madagdagan yung bayarin ko!" Pinagtulakan ko sya paalis ng school. Marami-rami na din kasi ang napapatingin sa kanya. Baka mamaya may makakilala pa sa kanya. Gulo yun for sure. At tsaka bago dumami ang utang ko sa katititig ko sa kanya. Mahirap kasing iwasan eh. Kahit anong iwas ko, hindi ko magawa. Nakaka-hypnotist siguro talaga yung kagwapuhan nya.

Ayaw naman nyang paawat at hindi talaga sya naalis. Nagulat ako nang bigla nitong kunin yung kamay ko. Akala ko kung anong gagawin nya, ilalagay lang pala yung perang binigay ko kanina. "Take it. Ilibre mo nalang ako mamaya ng kape sa shop nyo." Sabi pa nito sabay kindat. Iba talaga ang ang tama nung kindat nya, may kakaiba akong nararamdaman eh. Sana nga lang hindi tama yung iniisip ko.

Pagkabalik nya sakin nung pera, umalis na sya. Nakahinga ako nang maluwag dun. Pero teka, sabi nya ilibre ko daw sya? Don't tell me pupunta sya sa coffee shop mamaya?

"Huy!"

"Ay pusa!" Napasigaw ako sa gulat nang bigla nalang sumulpot sa unahan ko si Yanna. Kahit kailan talaga ang hilig nyang manggulat. "Ano ba naman Yanna?! Aatakihin ako sa puso sa'yo eh!"

"Sakin ba talaga o kay Patrick?"

"Anong sinasabi mo dyan?"

"Tse! Tigilan mo nga ako sa mga denial mo! Marami pa tayong pag-uusapan kaya let's go!"

Huli na para sakin ang umangal dahil kinuha na nya yung kamay ko at hinatak na ako papasok ng school. Hindi nya talaga ako binitawan hanggang sa makarating kami ng classroom. Para namang makakatakas ako nang lagay na yun. Daig ko pa ang asong nakatali na hinihila ng amo nya eh.

Pagkarating namin sa room, sakto namang wala pa yung prof namin. Maaga pa kasi. Himala lang at walang traffic ngayon araw kahit Monday. Umupo kami ni Yanna. Bago pa man ako makasandal sa upuan ko, sinamaan kaagad nya ako ng tingin.

"Bakit ganyan ka makatingin sakin?"

"May nililihim ka sakin. Ano yung pinagtatalunan nyo ni Pogi kanina? Hindi ako maka-relate eh. Pwedeng paki-kwento?"

Tiningnan ko muna si Yanna tapos tsaka ako nag-isip. Dapat ko nga bang sabihin sa kanya? Sabagay, wala namang masama. Kaibigan ko naman sya.

"Ano na!?"

That's My Dad! (Book 2) [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon