Sister
Yana's POV
Nakatayo ako sa ilalim ng puno malapit sa kinauupuan niya. Malapit at konti lang ang distansya namin sa isa't-isa. Konti, ngunit napakahirap tahakin ng daan at ilang hakbang papalapit dun.
Ilang araw nanaman syang natutulala, wala sa sarili at hindi ngumi-ngiti. Ano ba talagang nangyayari? Kaibigan nya ako, gayunman ay hindi ko maipakita at maiparamdam sa kaniya na kaibigan nya rin ako. Handang dumamay para sa kanya. Pero sa tuwing makikita ko sya, parang gusto nya laging mapag-isa. Hindi na kaya ng konsensya ko 'to. Alam kong may kasalanan din ako sa nangyayari.
Lumapit ako patungo pwesto nya. Umupo ako sa tabi nito at tiningnan sya. Pero parang wala lang. Hindi nya man lang ako nagawang lingunin, parang hindi nya yata ako napansin.
"Sis?" Tinawag ko sya hindi sya pangalan nya kundi sa nakasanayan naming tawagan.
"Yanna?" Lumingon sya sakin sa wakas. Gayunpaman, nalulungkot ako sa nakikita ko. Maputlang labi at kutis, ang mala-lamlam na mga mata pati narin ang pamamaga nito dahil sa ilang beses na pag-iyak nya.
Gusto ko syang tanungin tungkol sa nangyayari pero hindi ako makakuha ng tiyempo. Baka pag tinanong ko sya, maalala nanaman nya yung nangyari at tuluyan nanaman syang umiyak.
Dalawang araw na magmula nung nangyaring insidente sa bar kasama si Renz at Patrick. Dalawang araw na ding bali-balita yung naging pag-aaway nung dalawa. Pero hindi ko na alam yung nangyari matapos nun.
"Kumusta ka na?" Tanong ko sa kanya.
Ngumiti ito pero alam ko sa sarili ko na peke ang mga ngiting yun. "Okay lang ako. Ikaw?"
"Ako? Hindi maayos ang lagay ko, lalo pa't alam kong nagsisinungaling sakin ang kaibigan ko." Sambit ko. Bigla syang umiwas ng tingin. Tama ang kutob ko. "Alam mo, Sis. Kaibigan mo naman ako eh. Bestfriends pa nga tayo, kaya kung kailangan mo ng masasandalan, nandito lang ako. Wag mo naman sanang ipagkait ang trabaho ko bilang kaibigan mo." Dagdag ko pa.
Ngumiti ulit ito at tumingala para makita ang payapa at maaliwalas na kalangitan.
"Aalis na sya." Bigla nyang sabi.
"Ha? Sino?" Kunot na noo kong tanong.
"Si Renz..."
"Bakit?" Matipid na tanong ko habang patuloy na nakikinig sa mga sinasabi nya.
"Pupunta na sya ng Canada." Sagot nito.
"Sa Canada? May kontrata ba ulit sya abroad. Sabi ko na eh. Magaling talagang Engineer yang si Cutie." Nakuha ko pang magbiro para mapagaan yung loob nya.
Kapansin-pansin ang pagkawala ng ngiti sa labi nya kaya naman natigilan ako sa pagtawa.
"He's living there for good."
"ANO!?" Alam kong hindi maipinta ang naging reaksyon ko ngayon. Pabigla-bigla naman kasi sya. Buong akala ko may trabaho lang talaga sya, yun pala dun na sya titira. "Can you please tell me why? Kasi naguguluhan na ako sa nangyayari." Sambit ko habang nakahawak sa sintido ko.
"Kasalanan ko." Kasabay ng pagsasabi nya nun ay ang dahan-dahang pagpatak ng luha sa gilid ng mata nya. Hindi na muna ako umimik at hinayaan ko syang mag-kwento ukol sa nangyari. "Dahil sakin kung bakit mas ginusto nyang umalis. Sinaktan ko sya kaya sya aalis. Kasalanan ko... Kasalanan ko ang lahat."
"Hindi. Mali ka. Sadyang hindi mo lang sya kayang mahalin." Pag-kontra ko naman sa sinabi nya.
Kahit na team Renz at Sowee ako at si Renz talaga ang manok ko nung una palang, sa ngayon mas susuportahan ko ang kagustuhan ng kaibigan ko. Kung ano ba talaga ang tinitibok ng puso nya. Kung sino ba talaga ang mahal nya. Kung sino ba ang pinili nya.

BINABASA MO ANG
That's My Dad! (Book 2) [Under Major Editing]
Roman d'amourThe Celebrity Dad Book 2