12

2.8K 63 0
                                    

Stay?

Sowee's POV

Napadali kami sa pag-uwi nina Cloud. Balak pa sana naming mag-shopping kaso epal yung kung sino mang nag-text sakin na yun. Nasa tapat daw sya ng bahay namin. Sino naman kaya yun? Don't tell me maniningil yun o magpuputol ng kuryente? Naku! Ang huling alam ko naman ay nagbayad ako ng kuryente at wala naman akong pinagkakautangan. Ah well, maliban pala sa isa.... No need to mention kung sino sya. Hindi sya ganung kaimportante.

Pumasok ng subdivision yung taxi na sinasakyan namin. Bumaba kami sa mismong tapat ng bahay namin. Pagbaba ko, isang magarang sasakyan kaagad ang bumungad sakin na nakaparada sa tapat ng gate.

"Grabe, kanino yan? Ayaw ata tayong padaanin ah." Sambit ni Yanna habang buhat nya si Cloud na ngayon ay nakatulog na sa sobrang pagod.

Pinagmasdan kong maigi yung kotse. Familiar sya. Hindi ito yung unang beses kong nakita yung kotseng yun. Nilibot ko yung bawat tabi ng kotse at hindi ako nagkamali sa hinala ko dahil sa taong nakita kong nakaupo sa simento habang nakasandal sa pinto ng kotse nya. Tulog pa ang gago.

"EHEM!"

Dahan-dahan nagmulat yung mata nya. Limingon sya sa bandang kaliwa nya at nakita nya ako. Nagtama yung tingin namin. Ngayon ko lang ulit natititigan yung mata nya. Yung maamo nyang mata.

"Oh sorry. Kanina ka pa dyan?" Nagmadali itong tumayo. Mahahalata mong bagong gising sya sa mukha nya. Matagal-tagal din siguro syang naghintay dito sa labas.

"Ikaw ba yung nag-text sakin?"

Nung una lumingon-lingon muna sya sa likuran nya. Anong meron?

"Ako lang naman ang tao dito sa harap ng bahay nyo diba? Sino pa ba sa akala mo?"

Tsss! Pinilosopo pa ako. >.< Sino ba kasing may sabing pumunta sya dito? Teka, bakit nga ba sya pumunta dito? 0.0

Nagulat naman si Yanna nang makita nya kami. Then sinenyasan nya ako na papasok na sila sa loob. Sigurado ako kung anu-ano nanamang tumatakbo sa utak nun.

"O eh bakit ka nga pala nandito?" Hindi ko maiwasang magtaray sa harapan nya. Ewan ko ba. Parati na akong naiinis ngayon pag nakikita ko sya.

"Pinapapunta ako ni Alice. I need to talk to you about kay Cloud."

(-_-") Bakit ba lagi nalang kailangang mag-usap? Napapadalas na yun ah! Wala na bang ibang excuse dun?

No choice na ako kundi ang papasukin sya sa loob. Labag man sa loob ko dahil ayaw kong mapalapit ako sa kanya, in-approach ko parin sya. Baka kasi urgent yung sasabihin nya. Tungkol naman yun kay Cloud kaya walang problema sakin. These past few weeks wala naman akong napapansin na di kanais-nais na ginagawa nya kay Cloud. Subukan nya lang talagang sabihin na sya ang tatay ni Cloud, I'll kill him.

Naupo sya sa sofa. Sakto namang nagising si Cloud. Lumapit ito kay Patrick at niyakap nya ito. Nakaramdam tuloy ako ng kaba. Ganyan na sila ka-close kahit hindi pa alam ni Cloud yung totoo sa kanilang dalawa but what more kung malaman na nya? Natatakot ako na baka iwanan nya ako at sumama sya kay Patrick.

"So, ano nga palang pag-uusapan natin?"

Relax pa ako nan ha?

"Ahmm... Actually," bigla akong kinabahan nung sinabi nya yung word na actually. Madalas ko kasing naiisip na baka alam na nya ang totoo. Well, alam naman talaga nya ang totoo na anak nya si Cloud pero nagpapatay malisya lang sya dahil sa galit nya sakin. "..wala naman talaga tayong dapat pag-usapan eh. Hehe." Napapakamot sa ulong sabi nito.

"Ha!? Eh bakit ka nagpunta dito?"

"May humahabol kasi saking paparazzi. Hindi na muna ako dumiretso sa bahay dahil alam kong susundan nya ako dun. Yet, dito ako dinala ng mga paa ko."

That's My Dad! (Book 2) [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon