KABANATA IV

674 11 0
                                    

KABANATA IV

"Memories warm you up from the inside. But they also tear you apart."

― Haruki Murakami

________

TILA pinahiran ng kulay dugong pintura ang dilaw na kalangitan. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim noong oras na iyon. Ilang kumpol din ng mga ibon ang makikitang nagliliparan sa papawiran, tanda ng pag-uwi nila sa kani-kanilang mga pugad.

Tahimik ang paligid. Walang hadlang sa pagmumuni-muni ni Aira sa gilid ng kanilang malaking swimming pool. Kalahating oras na rin siya roon matapos sunugin sa hindi kalayuan ang ilang personal na gamit na ibinigay ni Aya.

"Aira," rinig niyang tawag ng kanyang daddy sa kanyang likuran.

"Dad," sagot n'ya sa ama matapos itong lingunin.

Pinagmasdan lang ni Aira ang kanyang daddy habang inaalis ng huli ang sapin sa paa at tuloy-tuloy na umupo sa kanyang tabi. Katulad ng kanina pa niya ginagawa ay inilublob din ng daddy n'ya ang mga paa sa malamig na tubig ng pool.

"Dad." Takang pinagmasdan n'ya si Marco. Hindi kasi siya sanay na makita ito sa mansyon ng ganoong kaaga. Lumaki siyang abala palagi sa trabaho ang daddy n'ya kaya nakakagulat na naririto ito sa kanyang tabi.

Natauhan si Aira nang makita n'ya ang pagguhit ng isang ngiti sa mga labi ng daddy n'ya. "What's the matter, young lady?"

Umiling-iling siya at muling ibinalik ang paningin sa mga binti na kanyang kinukuyakoy sa ilalim ng tubig.

"I'm your dad Aira," sambit ni Marco ilang minuto ang matapos ang nakabibinging katahimikan.

Muling bumaling si Aira sa ama. Nakasalubong nito ang seryosong mga mata ng huli. Mukhang seryosong usapan ang nagbabadyang mamagitan sa kanilang dalawa.

Bumuga muna ng hangin si Aira bago muling nagsalita. "Mahirap po pala talaga magkaro'n ng totoong kaibigan, 'no dad?" tanong nya sa ama na seryosong nakamasid sa kung ano ang sasabihin n'ya.

"Tungkol ba kay Aya?" balik tanong nito sa kanya. Wari'y nahulaan ang nasa isip n'ya.

Kilala ng buong pamilya niya si Aya. Ilang beses na rin kasing nakapunta at nakadalo mga salu-salo ang dati niyang kaibigan sa kanilang mansyon.

"Yes. She's a gold digger. Pera lang pala habol ng babaeng 'yon kaya niya ko kinaibigan," halos pabulong n'yang kumpisal.

"Kaya mo ba sinunog ang mga pictures n'yong dalawa?"

Awtomatikong napatingin siya sa basurahang gawa sa metal na nilalabasan pa ng maitim na usok. Kung ganoon ay nakita pala iyon ng daddy niya. Hindi na n'ya dapat iyon ipagtatapat sa ama ngunit mukhang wala talaga siyang maitatago dito.

Nasaisip niya na kung isa siguro siyang kriminal na dinispatsya ang mga bagay na ginamit sa krimen ay presinto kaagad ang kababagsakan niya. Sana pala'y hinintay niya munang maging abo ang mga gamit ng babaeng iyon bago siya kampanteng umupo sa gilid ng pool.

Wala na siyang nagawa kung hindi idetalye ang natuklasan sa pagkatao ng babaeng itinuring niyang isang matalik na kaibigan. Hindi na lang niya binanggit pa ang ginawang pag-iwan kay Aya sa gitna ng kalsada kahapon.

"Tinanong mo ba s'ya? Pinakinggan mo ba yung side n'ya?" tanong sa kanya ni Marco pagkatapos niyang ilahad ang mga nangyari.

"No," mabilis niyang sagot. "What I've heard is enough. Baka lalo lang madagdagan ang kasinungalingan niya," dagdag niya.

"May tiwala ako sa'yo Aira Pero sana lang hindi mo pagsisihan sa huli na hindi mo binigyan si Aya ng chance na magpaliwanag," naiiling na sabi ni Marco.

Against the Wind [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon