KABANATA XIII

445 7 0
                                    

KABANATA XIII

Choose your life's mate carefully. From this one decision will come 90 percent of all your happiness or misery.--H. Jackson Brown, Jr.

__________

MARIING ipinikit ni Aira ang mga mata. Huminga siya nang malalim upang mabawasan man lamang kahit kaunti ang bigat ng kanyang dibdib. Isang desisyon ang kanyang ginawa. Isang desisyon na alam niyang babago sa kanyang buhay. Isang desisyon hindi para sa pansariling kapakanan, bagkus ay para sa taong pinagkakautangan niya ng maraming bagay.

Nang idilat niya ang mga mata'y nakasalubong niya ng tingin ang kanyang daddy at mommy. Mula sa repleksyon ng may kalakihang salamin ay lantad sa kanya ang nakarehistrong kasiyahan sa mukha ng mga magulang.

"Dad? Ma?"

Lumingon siya kay Marco at Marianna na magkatabing nakatayo sa kanyang likuran.

"You're so beautiful hija," papuri ni Marco sa anak.

"Thanks dad!"

Ngumiti si Marianna at iniabot ang kamay ni Aira. Pinisil-pisil niya iyon at ipinaloob doon ang isang kwintas. "Now, it's yours hija."

Nanlaki ang mga mata ni Aira nang buksan niya ang kanyang kanang kamay.

"Lola Catalina's necklace? Ma, bakit n'yo po 'to binibigay sa'kin?"

"Bakit hindi? Anak kita, kaya sa'yo ko naman ibinibigay 'yan. Naikwento ko na 'yo no'ng bata ka pa na ibinigay 'yan sa'kin ng Lola mo before kaming magpakasal ng dad mo, 'di ba?"

Tumango-tango si Aira. Hindi pa rin siya makapaniwalang siya na ngayon ang nagmamay-ari ng naturang kwintas. Kakaiba iyon sa lahat dahil nag-iisa lamang iyon sa mundo. Walang katulad ang disenyo no'n dahil sa sadya iyong ipinagawa para sa ina ni Marianna, si Donya Catalina Dela Fuente.

"Halika anak, isusuot ko sa'yo," nakangiting sambit ni Marianna kay Aira. Muli niyang dinampot mula sa kamay ng dalaga ang kwintas na ipinamana ng kanyang namayapang ina.

Halos lumundag ang puso ni Aira nang marinig ang salitang "anak" mula sa bibig ni Marianna. Walang ipinagkaiba iyon sa mga oras na ipinapakilala siya nina Marco at Marianna sa kanilang mga kakilala at kaibigan bilang nag-iisang anak at tagapagmana ng pamilya Alvarez. Pakiramdam niya'y siya na ang pinakamaswerteng dalaga sa buong mundo.

"Thanks Ma," pasasalamat ni Aira. Muli siyang tumalikod at hinawi ang mahabang buhok.

"There! Bagay na bagay sa prinsesa natin hindi ba, Daddy?" tanong ni Marianna sa asawa nang maisuot sa dalaga ang kwintas. Katulad kanina'y sa repleksyon sa salamin lamang nila tinignan ni Marco si Aira.

Ngumiti si Marco bilang tugon sa asawa.

Kumikislap ang mga matang hinawakan ni Aira ang pendant ng kwintas. Saglit niyang nakalimutan ang mga agam-agam sa kanyang isipan. Hindi mawala-wala ang matamis na ngiting nakabalandra sa kanyang mga labi.

Against the Wind [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon