KABANATA XXXI

389 4 0
                                    

KABANATA XXXI

_______

DUMATING na ang araw ng company party ng mga Madrigal. Isa ito sa ilang kumpanya na namamayagpag sa Pilipinas bilang supplier ng dekalidad na mga foam at tela para naman sa mga kumpanyang nagmamarket ng mga furnitures. Ang Phoneix Foam & Garments Corporation.

Napakislot si Aira sa kanyang kinauupuan nang tumunog ang cellphone niyang nakapatong sa makeup table sa kanyang harapan. Naaninag niya ang pagkagulat din ng bading na makeup artist na kinuha pa ng kanyang mommy upang magservice sa kanilang dalawa. Inaayos na kasi nito ang kanyang buhok pagkatapos unahin ang makeup.

"I'm sorry," hinging paumanhin niya matapos abutin ang cellphone.

Tumango naman ang makeup artist at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Hindi napigilan ni Aira ang mapangiti nang buksan niya ang message ni Warren. Panay ang pagpapadala nito ng mensahe kanina pa. Nariyan ang pangungulit nitong ito ang susundo sa kanya papunta sa venue ng party kahit pupunta rin naman sina Marco at Marianna. Kesyo hindi na raw ito makapaghintay na makita siyang suot ang biniling evening gown.

Warren:

I'm here outside your room. Pwede ba kong pumasok? I want to see you very badly. I love you, Mrs. Madrigal.

Ang alam niya'y nasa daan pa lamang ito kanina ngunit ngayo'y nasa labas na ng pintuan ng kwarto niya. Bakit ang bilis naman ata?

Nireplayan niya ito.

Aira:

Sa baba na lang. Matatapos na rin naman ako. Huwag makulit. I love you too, Mr. Madrigal.

Mas lalo pang lumapad ang pagkakangiti niya habang tinatayp ang huli. Nahawa na nga siya sa binata pagdating sa endearment nito sa kanya. Isang araw ay namalayan na lamang niya ang sarili na tinatawag itong Mr. Madrigal sa tuwing tinatawag siya nitong Mrs. Madrigal. She finds it sweet lalo na't hindi pa naman sila kasal. Wala pang formality at papel para sabihin na totoo na silang Mr. and Mrs. Madrigal.

Walang pang isang minuto pagkatapos niyang ipadala ang mensahe na iyon ay narinig na niya ang magkakasunod na katok sa labas ng pinto. Ipinilig niya ang ulo. Sakto naman na tapos na ang pag-aayos sa kanya ng makeup artist.

"Bubuksan ko po ba, Miss?" magalang na tanong ng bading na makeup artist.

Nagkatinginan sila ni Aira sa salamin. Noon lang din napansin ng dalaga ang ayos sa kanya. Nasiyahan siya sa kanyang nakita. Sinunod kasi nito ang suhestiyon niyang light makeup lang ang ilagay. Maganda ang pagkakayos ng nakataas niyang buhok. Pailan-ilang hibla ang tumatakas doon upang magkaroon ng kaunting arte. Naka-expose tuloy ang malaporselana niyang kutis mula leeg hanggang balikat. Hindi naman iyon gaanong revealing dahil sa disenyong beads na nagsilbing sleeves.

She's wearing a royal blue floor length evening dress. It's a chiffon fabric trumphet cut na mayroong disenyong clear beads sa itaas ng dibdib paikot sa likuran.

"Hindi na. Ako na," sagot niya. Muli pa niyang sinipat ang sarili sa salamin bago nagmartsa patungo sa pintuan.

Naiiling na pinihit niya ang hawakan ng pinto. Hindi pa rin kasi tumitigil sa pagkatok at pagtawag sa kanyang pangalan ang binata. Tila hindi ito makapaghintay na mapagbuksan lalo pa't hindi nito sinunod ang utos niyang sa baba na lamang sila magkita.

"Ang kulit mo talaga. Hindi mo talaga ko sinunod na sa baba na lang, 'no?" Ngumiti siya. "At isa pa kasama ko naman sila mommy, pwede naman akong sumabay sa kanila."

Natigilan siya nang mahuling nakatitig sa kanya ang binata. Titig na titig ito sa kanya at nakaawang pa ang mga labi. Nakaramdam tuloy siya ng ilang. Ni hindi niya alam kung ano ang iniisip nito habang tulala sa kanyang harapan.

Against the Wind [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon