KABANATA XXI

424 7 0
                                    

KABANATA XXI

__________

TAAS-NOONG tinahak ni Aira ang may kahabaang hallway ng ikalawang palapag ng mansyon papunta sa kanyang silid. Napapailing pa siya habang pinipihit ang hawakan ng pintuan. Hindi maalis sa isip niya ang mukha ni Stella na tila nalugi.

"Poor Stella."

Pinasadahan niya ng tingin ang queen size bed na naghihintay sa isang tabi. Kung hindi lang niya napigilan ang sarili'y baka pagkapasok pa lamang niya roon ay inihiga na niya ang pagod na katawan. Gusto na niyang matulog sa sobrang pagod sa trabaho at stress na idinulot ng pakikipagtalo niya sa pinsan.

Bago pa man mabuksan ni Aira ang kabinet upang kumuha ng bathrobe ay sunod-sunod na katok ang kanyang narinig sa pinto. Walang gana niya iyong binuksan. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang mapagbuksan ang gwapong mukha ni Warren. Bumagay sa kayumangging kulay nito ang suot nitong button down long sleeves na nakatupi hanggang siko.

"A-Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Aira. Ang binata na ang pinakahuling tao na naisip niya kanina na maaaring nasa labas ng pintong iyon. Lumingon pa siya sa loob ng kanyang kwarto at bahagyang nilaparan ang pagkakabukas ng pinto.

Seryoso ang mukha ni Warren. Bahagyang umangat ang isa niyang kilay sa tanong na iyon ni Aira.

"Nakalimutan mo?" ganting-tanong ng binata. Bakas sa mata niya ang disappointment nang makumpirma sa gulat na mukha ni Aira na nakalimutan nga nito ang pagpunta niya roon.

Napatakip ng kanyang bibig si Aira. Nahihiyang kinonekta niya ang mga mata sa binata. "Oh my God! I'm sorry, nawala sa isip kong pupunta ka."

"Ilang beses kitang tinawagan kanina, pero hindi mo sinasagot ang tawag ko." Nanatili pa rin sa seyosong mukha si Warren.

Napakagat ng labi si Aira. Tila nagflash sa isip niya ang cellphone na nasa loob ng kanyang bag. Mula nang umalis siya kanina'y hindi manlang niya tinignan. Bukod pa roon ay naka-silent iyon kaya't hindi rin niya talaga maririnig kahit gaano pa karamaing beses siya sinubukang tawagan ng binata.

"I'm sorry..." Iniiwas niya ang tingin. Inilipat niya iyon sa leeg ng binata ngunit kaagad niya ring inalis ang pagkakatitig nang gumalaw ang adam's apple nito. "Hindi ko namalayan na tumatawag ka pala. Nagpunta pa kasi kami ng client ko sa Eleganciau de Muebles."

"It's a furniture shop, anyway. Tapos nag-aya lang magdinner 'yung client ko sa The Queens. Sorry talaga," dagdag ni Aira nang hindi siya kibuin ng binata.

Hindi niya nakasanayang magsabi sa ibang tao tungkol sa mga bagay na ginawa niya, ngunit hindi niya mapigilang sabihin kay Warren ang dahilan ng pagkalimot niya sa pagpunta nito sa mansyon. Pakiramdam niya'y kailangan niyang humingi ng tawad at magpaliwanag sa binata.

"It's okay, Aira. Hindi mo na kailangan pang---"

"But, I think I have to...I need to...to explain. I'm sorry talaga kung pinaghintay kita. Kung pinaghintay...OH MY GOSH!" Muling nanlaki ang mga mata ni Aira nang maalala ang usapan nila ni Warren noong nakaraang araw.

Napangiti si Warren sa reaksyong nakabalandra sa mukha ng dalaga.

"K-Kasama mo----"

"Yes, she's with me. Nasa baba na siya," sagot ni Warren kahit hindi pa natatapos ng dalaga ang tanong nito. Ang mommy niya ang tinutukoy niya.

"O, nakakahiya! Kanina pa ba kayo?"

Pinaglaruan ni Aira ang mga kamay. Kasabay no'n ang muling pagkagat niya sa pang-ibabang labi. Ganoon palagi ang reaksyon ng kanyang katawan sa tuwing kinakabahan. Muli niyang nilingon ang loob ng kanyang silid at saka ibinaling ulit ang tingin kay Warren.

Against the Wind [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon