KABANATA XXXIII

469 4 0
                                    

KABANATA XXXIII

_________

MAKAPANANGHALI na nang manaog si Aira sa hagdanan ng bahay na iyon. Hindi naman siya nahirapang hanapin ang kusina upang mailigpit na ang pinagkainang pinggan. Noon lang din niya napagtuunan ng pansin ang interior ng bahay. Bilang isang Interior Designer, nakasanayan na niya ang maging mapanuri sa detalye ng bawat loob ng bahay na kanyang napupuntuhan.

Inilibot niya ang paningin sa salas at kusina.

Halos puro ang antique ang narororoon. Mula sa mahabang lamesang maaring okupahan ng labing-dalawang katao, mga kabinet, upuan, at maging ang mga chandelier ay pawang mga antique, luma ngunit hindi maitatangging mamahalin.

Bago tuluyang umalis doon ay nakasalubong ni Aira ang Lola ni Warren. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin at bahagyang pang napaatras. Napaisip siya kung may alam ba ang matanda sa dahilan ng biglaan nilang pagpunta roon. Hindi kaya tulad ni Rissa'y narinig din nito ang batuhan nila ng mga salita ng binata sa taas? Nakaramdam tuloy siya ng kaunting hiya.

Nawala lamang ang agam-agam niya nang salubungin siya nito ng matamis na ngiti. "O, hija, mabuti naman at bumaba ka na. Gusto sana kitang makakwentuhan."

"P-Po?" nahihiyang sabi ni Aira.

Ewan ba niya pero hindi naman siya ganito noon makipag-usap sa ibang tao. Malakas ang loob niya at kayang-kaya niyang magtaray sa ibang tao kung hindi niya ito kasundo at gaanong kakilala. O kung minsan nga'y dedma lamang siya. Ngunit ano ito? Naurong na ata ang dila niya sa pakikisalumuha sa mga taong alam niyang kamag-anak ng binata. Para bang iniingatan niyang magkamali sa harap ng mga ito.

"Halika, tara d'yan sa labas at ipapakita ko sa'yo ang mga halaman ko." Malapad ang pagkakangiti ng matanda. Inakbayan pa man din niya ang natigilang dalaga.

"S-Sige po, Lola---"

"Remedios ang pangalan ko, hija. Pero ayoko ng tinatawag akong Lola Remedios, mapapangasawa ka ng apo ko kaya Lola lang, ha?"

Napangiti si Aira sa tinuran ni Lola Remedios. Nakikita niya kasi rito ang kanyang Lola Alicia. Kamusta na kaya ito? Ang pagkakaalam niya'y uuwi ito bukas kasama si Lolo Greg mula Australia. Hindi niya alam kung positibo o negatibo ang naging resulta ng pababalik-balik nitong pagpapagamot sa ibang bansa pero lubos siyang umaasa na sana'y mayroong magandang balita.

Ipinagmalaki sa kanya nito ang iba't ibang klase ng mga tanim na halamang namumulaklak na maayos na nakatanim sa mga paso. Mayroong kulay ube, dilaw, pula, asul, lila, at puti. Lalo lang tuloy siyang nasabik sa muling pagbabalik bansa ng kanyang Lola dahil tulad ni Lola Remedios ay mahilig din ito sa mga bulaklak, partikular ang orchids.

"Naku! Sa tuwing tatawag sa'kin 'yang batang iyan, palagi kang nababanggit. Ipapakilala raw n'ya sa'kin ang mapapangasawa niya. Hindi nga nagsisinungaling ang apo ko, maganda ka nga at mukhang mabait pa." Walang humpay sa pagkekwento si Lola Remedios sa dalaga. Nakaupo na sila sa mahabang upuang kahoy na malapit sa taniman.

Ngiti ang itinutugon ni Aira. Nawiwili siyang makinig sa kwento ng matanda tungkol kay Warren at sa iba pa nitong mga apo. Kung anong klaseng bata noon ang binata at kung paano ito naging malapit sa mga tao roon. Nalaman din niya na sa bahay na ito madalas magbakasyon si Warren tuwing mga buwan ng Abril at Mayo. Natigil lamang iyon nang tumuntong ng kolehiyo ang huli.

"Nasaan po si Warren?" lakas loob niyang tanong nang halos isang oras na siyang nasa labas ay ni anino ng binata'y hindi niya nakita.

Nais niya humingi ng dispensa sa lahat ng mga binitiwan niyang mga salita kanina. Mahal niya si Warren at ayaw niyang magkatampuhan ito lalo na't kaarawan pala nito ngayon.

Against the Wind [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon