KABANATA X

436 6 0
                                    

KABANATA X

A friend to you is all I will ever be, but I'll always secretly wish the way you want her would be the way you want me.

-- Rashida Rowe

_________

WALANG ibang maitugon si Aira kung hindi ang tumango at ngumiti sa harapan ni Andrew at sa nililigawan nitong si Ysabel. Paminsan-minsan ay nakikisali s'ya sa usapan ng dalawa ngunit kadalasan ay ang mga ito lamang ang nagkakaintindihan kaya't mas pinili na niyang manahimik. Inabala na lamang niya ang sarili sa pagsipat ng oras sa kanyang cellphone. Hindi kasi siya maaaring mahuli sa The Queens dahil kabilin-bilinan iyon ng kanyang Lolo Greg.

"I'm on a diet," sabay iling na sabi ni Ysabel kay Andrew. Naroroon sila sa Sweets Haven, isang cafe na ang specialties ay non-fat coffees, fruit shakes, ice cream, at cakes. Kabubukas lamang no'n kaya't naisipan ng binata na sumaglit doon pagkatapos magpakasawa sa Japanese foods sa Saisaki.

Napataas-kilay si Aira nang marinig ang pagtanggi ni Ysabel nang alukin ito ni Andrew ng rebel bar na pinaibabawan ng cookies and cream ice cream bilang dessert. "Diet daw, tss arte," bulong niya sa sarili.

Pasalamat siya't hindi iyon narinig ni Ysabel dahil sa patuloy lang ito sa pakikipag-usap kay Andrew.

"Gusto mo pa Aira?" tanong ni Andrew.

Napaangat ng paningin si Aira. Kunot-noong tinignan niya si Andrew na nakadukwang na sa kanyang plato upang palitan iyon ng rebel bar na dapat sana ay kay Ysabel.

"What?" tanong ni Aira sa binata. Hindi niya magawang alisin ang paningin kay Andrew. Hindi niya alam kung bakit pero sa tingin niya'y lalo itong gumuwapo lalo na't abot tenga ang pagkakangiti nito.

"Favorite dessert mo 'to di ba? Here, ayaw daw ni Ysabel eh," paliwanag ni Andrew kay Aira at tuluyan na ngang inilagay sa kanyang harapan.

"Mahilig ka sa sweets?" singit ni Ysabel.

"Rebel bar monster 'yang si Aira. Look, ubos ka'gad 'yung sa kanya," natatawang komento ni Andrew habang pinagmamasdan pa ang inalis niyang pinagkainan ni Aira.

"Yeah," tipid na sagot ni Aira sa dalawa. Isang pilit na ngiti rin ang isinukli niya kay Ysabel. Sa likod ng ngiting iyon ay ang malapit nang maubos na pasensya ng dalaga. Pinipigilan lamang niya ang sarili na umalis do'n kahit kanina pa kating-kati ang paa niyang lisanin ang Sweets Haven.

Anong pumipigil sa kanya? Simple lang ang sagot, ayaw niyang isipin ng dalawa lalo na ni Andrew na nagseselos siya. Ayaw man niyang tanggapin na nararamdaman niya iyon ay wala siyang magawa. Ito ang unang beses na nagselos siya sa babaeng idine-date ng kaibigan. Ito rin ang unang beses na nainsecure siya sa iba. Pakiramdam niya'y nanliliit siya sa harapan nito.

"I have to go na. Pupuntahan ko pa sila Lola sa The Queens," paalam ni Aira sa dalawa. Tumayo na siya at kinuha ang Louis Vuitton purse na nakapatong sa gilid ng lamesa.

"Gano'n ba? See you around Aira," nakangiting saad ni Ysabel. Tumayo pa siya at nakipagbeso kay Aira.

Against the Wind [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon