KABANATA V

636 10 0
                                    

KABANATA V

It is one of the blessings of old friends that you can afford to be stupid with them. 

-- Ralph Waldo Emerson

_________

UNTI-UNTING iminulat ni Aira ang mga mata. Sinalubong siya ng kulay puting kisame at nakangiting mukha ng isang lalaki. Muli niyang ipinikit ang mga iyon upang siguraduhing hindi s'ya namamalik-mata lamang. Hindi pa man din kasi nakakapag-adjust ang mga mata n'ya sa liwanag na dulot ng ilaw sa kisame ng hindi pamilyar na kwartong iyon.

"Thank God! You're safe now!" bulalas ng lalaki na muling nakagpabukas ng mga mata ni Aira.

"Andrew? How come that---. What are you doing here?" aniya sa lalaki.

"Is that your way of wel---" naputol ang sasabihin sana ni Andrew nang biglang pumasok ang mga magulang ni Aira. Pareho pa silang napalingon sa kabubukas lamang na pinto.

Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Marianna habang papalapit ito sa hospital bed kung saan nakahiga ang anak.

"Aira, my baby. May masakit ba sa'yo?" tanong n'ya kay Aira nang makalapit siya rito. "Thank God, bumaba na ang lagnat mo," dagdag n'ya matapos sipatin ng kamay ang noo nito.

"I'm okay ma. You mean dinala n'yo pa po ko sa ospital because of a fever?" balik tanong n'ya sa ina nang mapagtanto na nasa ospital nga s'ya.

"No. Thanks to Andrew at nakita ka n'ya ka'gad sa pool. What happened Aira?" singit ni Marco na noo'y nakatunghay na rin sa kanya sa tabi ng kanyang mommy. Mababanaag din sa mukha ng daddy n'ya ang nakarehistrong pag-aalala.

"Sa pool?" naguguluhang tanong ni Aira sa sarili.

"I planned to surprise you sa pagdating ko. Iyon nga lang ako ang nasurpresa nung makita kitang hindi gumagalaw sa ilalim ng tubig," paliwanag ni Andrew sa kanya nang saglit siyang natigilan.

Naalala na niya ang mga nangyari. Unti-unti siyang lumubog sa malamig na tubig ng pool. Hindi na niya nagawa pang umahon noong oras na iyon. Kung bakit hindi n'ya maigalaw ang katawan n'ya ay hindi n'ya alam. Isa lang ang malinaw sa kanya ngayon, ang boses na narinig n'ya bago siya takasan ng ulirat ay kay Andrew.

"I don't know dad," tipid na sagot ni Aira sa ama. Pakiramdam n'ya kasi'y wala siyang lakas upang idetalye pa ang mga nangyari kaya't mas pinili na lang niyang sabihin na hindi n'ya alam. Nagpapasalamat na rin s'ya na hindi na nag-usisa pa ang mga nito.

Hindi rin naman kasi s'ya handang isiwalat pa sa mga magulang na hanggang ngayon ay binabagabag siya ng nakaraan.

_______

NAPANGITI si Aira nang matanaw niya ang nakatayong likod ni Andrew sa gilid ng isang pillar sa kanilang gazebo. Maliban kay Aya, na ngayon nga'y hindi na niya kinokonsiderang kaibigan, ang binata ay malapit din sa kanya. Malapit na magkaibigan ang pamilya n'ya at ang mga Villareal. At isa pa'y inaanak ito ng kanyang mommy.

Bawat hakbang ni Aira patungo sa kinaroroonan ni Andrew ay hindi maalis ang tingin n'ya rito. Nakasuot lamang ito ng maong na pantalon at kulay bughaw na cardigan na nakalupi hanggang siko na tinernuhan ng Vans shoes. Bagamat simple lamang ang suot ng binata ay hindi n'ya maiwasang hangaan ang taglay nitong kakisigan. Si Andrew kasi 'yung tipo ng lalaki na kahit saang anggulo tignan, kahit nakatalikod man o bagong gising ay gwapo pa rin.

Against the Wind [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon