KABANATA XXIII

348 9 2
                                    

KABANATA XXIII

_________

ISANG palahaw ang pinakawalan ni Ysabel. Tinawag niya ang pangalan ni Andrew. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang makitang sadsad sa lupa ang binata. Mabilis namang nakabangon ang huli at akmang susugurin nito si Warren nang hawakan ng nobya ang kanyang braso.

"Andrew, please, huwag na! Tama na!" pakiusap ni Ysabel. Umiling siya at hinuli ang galit na mata ni Andrew.

Magpupumiglas pa sana si Andrew ngunit naagapan na agad siya nang ipalupot ni Ysabel ang kanyang mga braso sa katawan niya. Unti-unting lumiwanag ang kaninang madilim niyang mukha.

Kinabahan si Aira. Napakapit siya sa braso ni Warren. Kahit nakatalikod sa kanya ang binata ay alam niyang hindi maipinta ang mukha nito sa galit. Patunay doon ang patuloy na pagtaas-baba ng balikat nito. At isa pa'y mabigat ang paghingang pinakakawalan nito.

Kumuyom ang panga ni Andrew. Hinaplos niya ang pisnging dinapuan ang matigas na kamao ni Warren. Ngumisi siya at binigyan ng matalim na tingin ang huli.

"Shit! Para saan 'yon ha? Huwag kang makialam dito!" sigaw ni Andrew.

Humakbang si Warren ngunit kaaagd din siyang napahinto nang mas higpitan ni Aira ang pagkakahawak sa kanyang braso. Nilingon niya ang dalaga. Hindi ito nagsalita ngunit base sa pag-iling at sa mata nito'y 'huwag na' ang nais iparating sa kanya.

Bumaling si Warren kay Andrew, "Gago ka pala, eh! Hindi mo ba nakitang nasaktan mo si Aira!"

"Hindi ko sinaktan si Aira. Problema naming dalawa 'to kaya huwag kang makialam."

"May pakialam ako dahil sinasaktan mo ang asawa ko!"

Napasinghap si Aira. Hindi niya lubos maisip na ipangangalandakan ng binata na mag-asawa na sila kahit hindi pa naman. Lalo na at walang alam si Andrew sa katotohanang iyon dahil sikreto muna iyon sa loob ng pamilya ng mga Alvarez at Madrigal. Kahit naiinis siya sa binata'y nagkaroon pa rin ng puwang ang kasiyahan sa loob niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ngunit may parte sa kanya na tila nagdiriwang ang kanyang kalooban.

Ngumiti nang mapait si Andrew. Tila hindi siya makapaniwala sa narinig mula kay Warren. "Asawa? Ang taas ng pangarap mo, pre!"

Biglang nakuyom ni Warren ang kamao. Nagtagis ang kanyang mga bagang. "Gago pala 'to, eh!" Akmang susundan pa ni Warren ng suntok ang una nang mas higpitan ni Aira ang pagkakahawak.

"Warren, ang boses mo!" Nag-aalalang napalingon si Aira sa kanyang paligid.

Lihim siyang nagpasalamat dahil walang ibang tao sa garden ng flower shop na iyon. Apat lamang silang naroroon. Lalong tumindi ang kanyang kaba. Pakiramdam niya'y ano mang oras ay magpapang-abot na naman ang dalawang binata. Hangga't maaariay ayaw niyang mangyari iyon lalo na't siya pa ang magiging rason. At isa pa'y kaibigan niya si Andrew at fiancee naman niya si Warren.

"Let's go. Umalis na tayo rito," mahina ang boses na sabi ni Aira kay Warren. Hinigit niya pa lalo ang binata upang umalis na roon.

Nais na niyang lisanin ang lugar na iyon. Hangga't maaari ay ayaw na muna niyang makasalubong ng tingin si Andrew. Kahit papaano'y talagang natakot siya sa inasta ng binata kanina. Sa tagal ng kanilang pagkakaibigan ay ngayon lamang siya nasigawan at nahawakan ng ganoon.

Hindi natinag si Warren sa ginawang paghila sa kanya ni Aira. Alertong napalingon siya sa dalaga nang lumuwag ang pagkakahawak sa kanya nito. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang mahina nitong pagdaing.

"Shit!" mura niya.

Kahit hindi sabihin ng dalaga'y alam niyang iniinda nito ang sakit sa kanyang braso na kababakasan ng pamumula sa mala-porselana nitong kutis. "Look, what you've done!" Halos magliyab ang kanyang mga mata nang alisin niya ang tingin sa braso ni Aira at muling ibaling kay Andrew.

Against the Wind [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon