KABANATA XXVIII

382 6 0
                                    

KABANATA XXVIII

_______

WALANG nagawa si Aira nang hilahin na siya ni Warren papunta sa cashier. Hindi na siya nakaangal pa nang bayaran na nito ang lahat ng kanyang pinamili. Kahit ang nakasuot nitong cardigan na pinili niya ay hindi na hinubad at binayaran na rin.

"Pati po ba 'yang suot n'yo, Sir?" tanong ng babaeng nakatoka sa cashier.

"Yeah," tipid na sagot ni Warren. Iniabot na lamang niya ang credit card at saka dinampot ang limang paper bag na naglalaman ng halos sampung damit ni Aira.

"Sandali lang, Warren. Nakakahiya kay Harry," bulong ni Aira sa binata habang hinihintay nito ang pagbalik ng credit card at resibo.

Hindi siya nito pinansin. Nilingon niya si Harry na nakatayo pa rin sa pwesto nito kanina. Nakahalukipkip ang binata at nakatangin din sa kanya ng pabalik. Nakaramdam siya ng kaunting hiya. Mabait sa kanya si Harry pati ang mama nito kaya'y pakiramdam niya hindi magandang kinaladkad na lamang siya ni Warren kanina.

"Sorry," usal ni Aira kahit hindi naman iyon maririnig ni Harry. Kahit papaano'y gumaan ang kalooban niya nang tumango ito sa kanya at ngumisi. Napangiti na lamang siya nang mahuling sinulyapan nito ang seryosong si Warren na mas lalong nakapagpalapad sa ngisi nito.

Na-gets naman niya kung ano ang nais ipahiwatig ni Harry. Seloso talaga si Warren. Isang araw pa lamang silang nagkakaunawaan tungkol sa nararamdaman nila sa isa't isa'y ganito na ito makaasta. Kulang na lamang ay lagyan siya nito ng posas upang mabakuran at hindi makausap ng ibang lalaki.

"Where's your manager?" tanong ni Warren.

"P-Po?" takang tanong ng kahera. "Manager po?"

"Do you I need to ask you twice?" mahina ngunit may diin na tanong muli ng binata.

Laglag ang panga ni Aira nang marinig iyon sa binata. Kaagad niyang inalis ang tingin kay Harry at saka hinarap si Warren. Doo'y natagpuan niya ang seryosong mukha nito habang nakikipaglabanan ng tingin sa babaeng kahera.

"Uy! Ano na naman 'yan?" usisa ni Aira. Hinaplos niya ang braso ni Warren upang kuhanin ang atensyon nito. Huling-huli niya sa gilid ng mukha nito ang pag-igting ng bagang. Kasabay no'n ang paggalawa ng adam's apple nito.

Wala siyang kaide-ideya sa kakaibang epektong hatid ng haplos niya sa binata.

"Let's go. Alis na tayo," dagdag ni Aira.

Hindi niya alam kung ano ang balak ni Warren kaya't nais nitong makausap ang manager ng shop nila Lauryn. Ang gusto lamang niya'y mailayo na doon ang binata dahil mukhang natatakot na rin ang kahera sa paraan ng pagtitig nito.

Hinarap niya ang kahera. Nagtagumpay naman siyang kuhanin ang titig nito. "It's okay Miss. May itatanong lang ang boyfriend ko---"

"Fiance," apela ni Warren.

Sinamaan ni Aira ng tingin ang binata. Umismid pa man din siya bago muling ituon ang pansin sa kahera. Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay kita niya ang isang tsinitang babae na palabas mula sa opisina ng shop. Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang manager. Bago pa man ito tuluyang makalapit ay ipinagpatuloy na niya ang dapat na sasabihin.

"Fine, my fiance." Inirapan niyang muli ang binata. "Happy?" Kung hindi siya nagkakamali ay narinig pa niya ang impit nitong ngisi.

Nang harapin naman niya'y kagaad nag-iwas ng tingin si Warren. Kung wala lang sila roon ay baka kanina pa niya ito sinapak.

"So I was saying, may sasabihin lang ang fiance ko. But, nevermind it next time lang. Nagmamadali kami. Okay na ba?" baling niya sa kahera na tila naguguluhan na sa kanilang dalawa ng binata.

Against the Wind [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon