KABANATA XXXVII - WAKAS

845 17 12
                                    

KABANATA XXXVII

_______

NAKATULUGAN ni Aira ang pag-iyak. Kahit pilit niyang pinipigilan ang pagtakas ng hikbi sa kanyang mga labi'y nasisiguro niyang alam ng mga kaibigan niya iyon. Sa guestroom nga ng bahay sila nagsama-samang lahat na magtulog. Silang apat na mga babae ang nagtabi-tabi sa malaking kama habang si Sean naman ay sa couch natulog.

Nagising si Aira sa magkasunod na katok sa pintuan. Bumukas iyon at iniluwa ang nakangiting mukha ni Megan. Pupungas-pungas siyang naupo sa kama. Noon lang niya napansin na siya na lamang pala ang natira roon.

"Good morning, sleepyhead." Dumiretso sa kanya si Megan. Dinampot nito ang cellphone na nakapatong sa sidetable at may idinayal doon.

"G-Good morning. Nasa'n sila?" Alanganin niyang sagot.

Bahagya siyang nakaramdam ng hiya nang mapagmasdan si Megan na ngayon nga'y nakatingin sa screen ng cellphone nito. Bagong paligo. Mukhang kanina pa ito nagising. Napasarap ang tulog niya dahil sa sobrang puyat niya kagabi kaya't siya ang nahuling nagising.

Nilingon siya nito nang nakangiti. "Nasa baba, nanonood ng TV. Lika na, it's already 11:30. Hindi ka pa nagbebreakfast."

Napaawang ang mga labi niya nang marinig iyon mula kay Megan. Hindi niya inaasahan na ganoon na pala katanghali. Masyado ata siyang nasobrahan sa pagtulog.

"Uh, sorry. Late na ko nagising," paghingi niya ng paumanhin. Tuluyan na siyang tumayo sa kama. Iniayos niya ang comforter at saka tinungo ang aircondition unit upang patayin.

"Bakit ka mahihiya? It's your---I-I mean ikaw ang nagdesign nito. Every detail na meron ang bahay na 'to ay may koneksyon sa'yo kaya wala ka dapat ikahiya. Uh, basta, tara na?"

Bahagya siyang nagtaka sa sinabi ni Megan. Pakiramdam niya'y mayroong mali sa sinabi nito ngunit hindi lang niya matanto kung ano. Nang subukan niyang hulihin ang titig nito'y agad ding nag-iwas ng tingin at muling may idinayal sa screen ng hawak na cellphone.

Nagkibit-balikat siya. Tinungo niya ang traveller's bag niya na nasa couch. Binuksan niya iyon at naghalungkat ng kanyang pampalit na damit. Nakaramdam na rin siya ng alinsangan dahil hindi na siya nakapag-shower pa kagabi.

"Shower muna ko, tanghali na rin pala. Mauna ka na baba."

"Okay, bilisan mo na lang. Malapit na maluto 'yung menudo ni Alyson," sagot ni Megan sa kanya. Tinungo na rin nito ang pintuan at lumabas na.

Naiwan si Aira na mag-isa silid. Inihanda na niya ang lahat ng damit pampalit at inilagay ang mga iyon sa loob banyo na nasa loob din ng kwarto. Nang maayos na ang lahat ay tumapat na siya sa shower at binuksan iyon. Hinayaan niya ang pagdampi ng maligamgam na tubig na pumapatak sa kanyang buhok pababa sa kanyang katawan.

Napatulala siya. Ilang minuto rin siya sa ganoong ayos bago naglinis ng sarili. Iniabot niya ang body wash na nakalagay doon. Ini-apply niya iyon sa katawan at muling itinapat ang sarili sa tapat ng shower. Kasabay ng pagbuhos ng mala-ulan na tubig ay ang pag-agos ng mga bula. Kaagad iyong nawala sa sahig. Naiisip niya na sana ganoon lang din kadali alisin ang sakit na nararamdaman niya. Tulad ng mga bulang iyon. sana'y ganoon din kadali mawala ang bigat na namamahay sa puso niya. Batid niyang imposible ang naiisip niya. Alam niyang hindi magiging madali ang lahat. Na kung totoo nga ang sabi ng iba na naghihilam din ang sugat sa puso sa paglipas ng panahon, pakiramdam niya'y sa matatagalan pa iyon.

Nang maiayos ang sarili'y nanaog na rin siya sa baba. Naabutan niya ang naghahain nang si Giselle at Megan sa dining area habang palapit naman ang naka-apron pang si Alyson.

"Maupo ka na riyan, Aira. Tatawagin ko lang si Sean," baling sa kanya ni Megan.

Tumango siya. Naupo na siya sa tapat ng kakauupo lang din na si Giselle.

Against the Wind [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon