KABANATA VIII

490 8 0
                                    

KABANATA VIII

The love of family and the admiration of friends is much more important than wealth and privilege.

-- Charles Kuralt

_________

HINAWI ni Aira ang manipis na puting kurtinang tumatabing sa glass door ng silid ni Harry. Binati siya ng nakasisilaw na sinag ng araw. Hindi n'ya alam kung bakit ngunit namalayan na lang n'ya ang sarili na binubuksan ang susian ng naturang glass door. Patungo iyon sa veranda kung saan may malambot na couch ang naghihintay lang na maupuan.

Inilapag n'ya ang hawak na sketchbook at lapis sa kalapit na lamesitang gawa sa salamin. Doon ay tumambad sa kanya ang may kalakihang tree house. Ilang metro rin ang layo no'n sa veranda ngunit kasing taas ng mismong bahay sa taas ng puno ang kanyang kinatatayuan.

Napangiti siya sa nasaksihan. Sa tanang buhay niya kasi'y ngayon lamang s'ya nakakita ng totoong tree house. Kahit sa malayuan ay masasabi niyang matibay ang pagkakagawa no'n. Bilang isang Interior Designer, pamilyar na siya sa itsura pa lang ng matibay na materyales lalo na sa mga mamahaling kahoy.

Hindi rin naman nagtagal ay iniiwas na n'ya ang paningin mula sa tree house na iyon. Nasa gawing kanluran kasi ito at nakasisilaw na ang matingkad na kulay kahel na sinag ng papalubog na araw.

"Ang ganda, hindi ba?"

Kamuntik pang mapatalon sa gulat si Aira nang marinig ang boses ni Harry sa kanyang likuran. Masyado siyang naging abala sa pagsipat ng tree house kaya't hindi n'ya namalayan ang paglapit ng binata sa kanya. Saglit na nawala sa isip niyang kasa-kasama nga pala niya ito at bumaba lamang sandali upang kumuha ng camera. Naisip niya kasing kuhanan ng litrato ang kabuuan ng bahay at doon na lang sa kanilang mansyon ipagpatuloy ang ginagawang pagdidisenyo. Hindi naman niya magamit ang sariling cellphone dahil sa naiwan n'ya iyon sa kotse.

Nilingon ni Aira ang binatang papalapit sa kanyang pwesto. "Tree house 'yan ng dating may-ari ng bahay, ang ganda 'di ba?" nakangiting sambit nito nang tuluyan na itong tumabi sa kanya.

Muling ibinaling ng dalaga ang paningin sa tree house. Bahagya siyang nailang dahil sa pagtitig sa kanya ni Harry na hindi pa rin napapawi ang mga ngiti sa labi. At isa pa'y hindi n'ya alam kung s'ya ba ang sinasabihan o ang tree house na iyon. Ipinagkibit-balikat na lang n'ya iyon at saka sumang-ayon sa tinuran nito. Mas mabuting isipin na lang n'ya na ang tree house ang tinutukoy nito kaysa ang sarili dahil baka mapahiya lang siya sa huli.

Muling pumasok sa silid si Aira dala ang sketchbook at lapis. Kasunod naman n'ya si Harry.

"Harry, pwede bang ikaw na lang ang magpicture sa first floor?" tanong ni Aira sa binata matapos sipatin ang silver wrist watch na noo'y alas-singko na ang oras. "Late na kasi. Kung okay lang eh paki-email na lang sa'kin 'yung mga pictures," suhestiyon n'ya.

"Yeah, sure." Sagot ni Harry.

"Thanks! Sige ha? Mauuna na ko. Iinform na lang kita once na matapos ko na 'yung interior design ng bahay mo. Then, if ever na may suggestion ka pa aside sa kwarto mo at sa entertainment room, itawag mo na lang sa'kin para mabago ko ka'gad."

Against the Wind [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon