KABANATA XXV

495 10 5
                                    

KABANATA XXV

"Love is composed of a single soul inhabiting two bodies."

-- Aristotle 

__________

MADILIM na ang paligid nang iparada ni Warren ang sasakyan sa tapat ng maindoor ng mansyon ng mga Alvarez. Pagkagaling nila sa memorial park kung saan payapang nahihimlay ang kanyang ama ay nag-aya nang umuwi ang dalaga. Kahit anong pilit niyang pag-aayang maghapunan muna sa labas ay hindi siya nito pinagbigyan. Pagkatapos siya nitong daluhan ay hindi na ito nagsalita. Tahimik sa biyahe at nakatuon ang atensyon sa labas ng bintana.

"Aira---"

Hindi na naituloy pa ni Warren ang sasabihin nang walang paalam na tinanggal ng dalaga ang pagkakakabit ng seatbelt. Kasunod noon ang pagbukas nito ng pinto at paglabas ng sasakyan.

Mahinang mura ang lumabas sa bibig niya. Napasuntok siya sa manibela bago sinundan ang nagmamadaling si Aira.

"Aira!" may kalakasang tawag ni Warren.

Hindi pinansin ni Aira ang pagtawag sa kanya ng binata.

"Aira, ano ba?"

Alam niyang sesermonan na naman siya nito. Kilala niya si Warren. Alam niyang big deal para rito ang pagbuksan siya nito sa tuwing papasok at lalabas siya ng pinto ng sasakyan. Ngunit hindi ito ang tamang oras upang purihan ang pagiging maginoo ng binata at ang mala-prinsesang turing nito sa kanya.

Napahigpit ang pagkakahawak niya sa bitbit na bag.

Nais na niyang lisanin ang lugar na iyon.

Nais na niyang pumasok at magkulong sa kanyang kwarto.

Nais niyang makapag-isip. Makapagmuni-muni sa mga nangyayari sa kanilang dalawa ng binata.

Nasa tapat na ng mismong pintuan si Aira. Pakiramdam niya'y nakakita na siya ng liwanag. Na tuluyan na niyang naiwasan ang binata. Ngunit nagkamali siya.

Akma niyang pipihitin ang hawakan ng pinto nang maramdaman niya ang yabag ni Warren. Hindi na bago sa kanya ang malapitang presensiya nito. Nakatalikod man siya sa binata at halos maghapon na silang magkasama'y amoy na amoy pa rin niya ang pabango nito. Nakakahumaling at hindi masangsang sa ilong.

"Shit!" bulong ni Aira nang maramdaman niya ang pagdampi ng mainit na palad ni Warren sa kanyang braso.

Bahagya siyang napatalon sa damping iyon. Hindi niya kinagulat ang paghawak na iyon ng binata. Sa totoo lamang ay inaasahan na niya iyon. Knowing her soon-to-be husband, madalas nitong kuhanin ang kamay niya sa tuwing nagkikita sila.

"What's happening to me?" tanong ni Aira sa isip.

Hanggang ngayon kasi'y kumakalabog pa rin ang kanyang dibdib. Mas lalo pa nga niyang naramdaman ang tila nais kumawala niyang puso. Nakakabingi ang tunog nito kahit siya lang naman ang nakakarinig.

"I love you, Aira. Matagal na."

Paulit-ulit na naririnig ni Aira ang anim na salitang iyon sa kanyang isip.

"Galit ka ba?" mahinang tanong ni Warren.

Nakatalikod pa rin si Aira sa binata. Napakagat labi siya sa tanong na iyon. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Bumalik sa kanyang gunita ang mga nangyari kanina sa flower shop ni Luna.

Ang mapungay na mga mata ni Warren habang sinasambit nito ang pagmamahal niya kay Aira.

Ang halik na kanilang pinagsaluhan sa ilalim ng golden shower tree.

Against the Wind [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon