KABANATA XX

371 7 0
                                    

KABANATA XX 

He that is jealous is not in love. 

-- Saint Augustine 

__________

UNTI-UNTING ipinihit ni Aira ang katawan paharap sa binatang tumawag sa kanya. Hindi na siya nagulat pa nang mabungaran niya si Andrew. Sa tagal nilang magkaibigan ay kabisado na niya ang boses nito lalo na ang pagtawag sa kanyang pangalan. Bakit nandito si Andrew?

Kay tagal niyang hindi nakita ang binata. Si Andrew na halatang bagong ahit at bagong gupit. Naroroon pa rin ang kagwapuhan at ngisi nito na namiss niya.

Ngumiti si Aira. Akmang lalapitan niya ang binata nang mahagip ng kanyang mga mata ang katabi nitong babae. Si Ysabel.

"O, Andrew." Iyon lang ang nasambit niya. Kaagad napawi ang ngiti niya nang humakbang si Andrew palapit sa kanya. Matutuwa na sana siya kung hindi lang niya napansin ang kamay nitong nakahawak sa kamay ni Ysabel.

Napansin naman ni Andrew ang pagtitig ni Aira sa mga kamay nila ni Ysabel. Lumapad ang pagkakangiti niya. Binitiwan niya iyon at inilipat sa beywang ng dalaga.

"Aira, remember her? Sinagot na ko ni Ysabel," sambit ni Andrew sa kaibigan.

"T-Talaga? Kayo...Kayo na? Kailan pa?"

Nagulat si Aira sa pahayag ng binata. Tila kinurot ang puso niya sa konpirmasyon na iyon. Simula pa lang nang ipakilala ni Andrew sa kanya si Ysabel bilang nililigawan nito'y alam na niyang darating ang araw na ito. Na sasagutin din ni Ysabel ang binata bilang boyfriend nito. Sino naman ang mangangahas na bastedin ang isang Andrew Villareal? Baliw na ata ang babaeng tatanggi sa kanya. Bukod sa gwapo at isang champion swimmer, galing din sa may kayang pamilya.

"Last month pa. September 28."

Naghumerentado ang puso ni Aira. Pakiramdam niya'y umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo. Hindi niya alam kung paano ba sasabihin sa binata ang nakita niya. Hindi siya maaaring magkamali na si Ysabel ang babaeng nakita niya sa mall na may kasama at kalambingang ibang lalaki.

"For pete's sake! First week 'yon ng October!" nasaisip niya.

"Hey!"

Para namang natauhan si Aira nang muling magsalita si Andrew. Pinilit niyang ngumiti sa harap nito upang maikubli ang sakit na gumagapang sa buo niyang katawan.

"Uh, c-congrats Andrew. I'm happy for the both of you." Bumaling din siya kay Ysabel at binigyan ito ng isang huwad na ngiti, "Hi."

"Hi, Aira. Ang ganda mo ngayon ha."

Napangisi si Aira. Bahagya siyang nainsulto sa tinuran ng girlfriend ni Andrew.

"Sinasabi ba nitong ngayon lang ako maganda?" sambit niya sa isip.

"O, he's Harry de Vera. 'Yung model, right? Magkasama kayo?" usisa ni Ysabel nang mapansin niya ang binatang nakatayo ilang hakbang ang layo sa likuran ni Aira.

"Kasama mo siya?" tanong naman ni Andrew nang mapansin din ang tinutukoy ng girlfriend.

Sinundan ni Aira ang tingin ng magkasintahan. Napakagat-labi siya nang makasalubong niya ng tingin si Harry. Namura niya ang sarili nang mawala sa isip na ang kliyenteng modelo pala ang nag-aya sa kanyang magdinner sa The Queens.

Marahan siyang tumango, "Yes, I'm with him."

Hiyang-hiya na sinalubong ni Aira ang nakaakmang papalapit na binata. Umusal siya rito ng paumanhin. Sa tingin niya'y nakuha naman ni Harry ang nais niyang sabihin kahit wala iyong boses nang tanguan at ngitian siya nito.

Against the Wind [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon