KABANATA XXXIV

433 4 0
                                    

KABANATA XXXIV

________

ILANG araw din ang lumipas nang magbalik si Aira sa mansyon. Sa mga raw na iyon ay napatunayan niya na tama nga ang lahat ng mga sinabi sa kanya nina Warren at Rissa. Kung natanggap siya bilang isang Alvarez sa loob ng halos labing-apat na taon, hindi iyon mawawasak dahil lamang sa nalaman na ng lahat ang kanilang lihim. Walang ipinagbago ang trato sa kanya nina Marianna at Marco. At kung sakali man na mayroon ay positibo iyon.

"It's a beautiful day to begin the first day of December, isn't it?" ani sa sarili.

Bumaba siya ng kanyang kotse bitbit lamang ang isang mamahaling bag na uwi ng kanyang Lola galing Australia. Tumuwid siya sa pagkakatayo at pinagmasdang mabuti ang bahay ni Harry sa kanyang harapan. Hinawi niya ang may kahabaang buhok na inililipad ng hangin na siya namang tumatabing sa kanyang mukha. Palibhasa'y unang araw ng Disyembre kaya't kahit alas-dos na ng hapon ay mahangin pa rin.

Hindi pa man nag-iinit ang mga paa niya sa pagkakatayo roon ay bumungad na sa kanyang harapan ang nakangiting mukha ni Harry. Nakasuot lamang ito ng simpleng v-neck shirt na kulay abo at khaki shorts na mas lalong nag-angat sa taglay nitong kakisigan.

"Long time no see." Humalukipkip si Harry. Mas lalong nadepina ang mga muscles niya sa braso. "No'ng November 26 pa dapat 'to, 'di ba? Hindi na kita makontak, akala ko bibitinin mo ko."

Tinanggal ni Aira ang suot na aviators at bahagyang nanlaki ang mga matang hinarap ang binata. Iba ata ang pagkakaintindi niya sa huling sinabi nito. "Ano?"

Humalakhak si Harry. Naglakad siya papunta sa pwesto ng nakatungong dalaga. Tila hinihintay nito ang susunod niyang sasabihin.

Samantala, takang pinagmasdan lang ni Aira ang binata habang humahakbang ito patungo sa kanya. Ni hindi siya sigurado kung anong 'pagkabitin' ba ang tinutukoy nito. Tapos ngayon ay tatawa-tawa pa itong lumalapit sa kanya.

"H-Harry..." usal niya nang makalapit ito sa kanya. Amoy na amoy niya ang halimuyak ng pabango ng binata. Bahagya tuloy siyang nailang sa lapit nilang iyon. Ngunit bago pa man siya muling makapagsalita'y narinig na niya ang pabagsak na pagsarado ng pinto ng kanyang kotse. Nakaligtaan niya pala itong isarado nang siya'y bumaba.

"Akala ko bibitinin mo ang bahay ko. Aba! Parang ang gara naman ata tignan kung ang ganda ng interior ng bahay pero ang kusina parang warehouse na walang laman pa rin," natatawa pa ring sabi ng binata sa kanya.

Bumuga ng hangin si Aira. Nakaramdam siya ng relief sa sinabi nito at sa pagpapatiuna na sa pagpasok sa gate ng bahay. Hindi niya mapigilang lihim na mapagsabihan ang sarili sa inasta kanina. Masyado lang talaga siyang naiilang ngayon sa tuwing may ibang lalaking didikit sa kanya nang ganoong kalapit lalo na at si Harry pa.

Knowing Warren Madrigal, ang seloso niyang mapapangasawa, ayaw na may makakasalamuha siyang ibang lalaki lalo na si Harry. Kung wala lang itong importanteng meeting kasama si Terrence Yang ay paniguradong nakaguwardiya na ito sa kanya ngayon.

"You looked tense, Aira. Relax ka lang d'yan." Natatawa pa ring utas ng binata sa kanya. Nasa loob na ito ng bakuran at nakapaweywang na tumayo sa gitna ng pathway patungo sa maindoor. Luminga-linga pa man din ito sa paligid na para bang may hinahanap doon. "Himala ikaw lang ata mag-isa ngayon? Now, she trusted you?"

Pakiramdam ni Aira'y mayroong clue ito sa kung bakit ganoon ang naging reaskyon niya. Nagtaas siya ng kilay at pinindot ang key button upang masusi ang mga pintuan ng kotse. Pagkatapos niyang gawin iyon sinundan na rin niya ito papasok sa loob ng bakuran.

"He trusted me, Harry. Ayaw lang talaga niyang nawawala ako sa paningin niya," pagkuwa'y ganting biro ni Aira. Alam naman niya kasing nagbibiro lang din naman sa kanya ang binata kaya't mas minabuti na lamang niyang sakyan ang trip nito.

Against the Wind [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon