KABANATA XXVII

423 7 0
                                    

KABANATA XXVII

__________

HINDI maalis-alis ang matamis na ngiti sa mga labi Aira. Nang matapos na silang kumain sa Japanese restaurant ay heto sila't naglalakad-lakad sa third floor ng mall na iyon. Palibhasa'y Lunes at alanganing araw kaya naman hindi ganoon karami ang namamasyal kumpara kapag weekend.

Hindi napigilan ni Aira na mapaismid sa dalawang babaeng nakasalubong niya palabas ng comfort room. Kitang-kita niya ang tila nangingisay sa kilig na mga babaeng iyon habang palingon-lingon sa isang lalaking nakasandal sa pader. Nakapamulsa ang isa nitong kamay habang ang isa naman ay may hawak na cellphone. Si Warren.

Sino nga naman ang hindi makakapansin sa fiance niya gayo'ng ang gwapo nito? Naiirita man siya sa malalagkit na tingin ng iba kay Warren ay nagawa pa rin niyang purihin ito sa kanyang isip. Sa tindig at bahagyang pagkakayuko nito'y kitang-kitang pagkaka-flex ng mga muscles sa katawan.

Dahan-dahan siyang lumapit sa binata. Napaisip tuloy siya kung sino ba ang kausap nito't tila hindi napansin nito ang paglapit niya.

Tumikhim siya.

Kaagad naman niyang nakuha ang atensyon ng binata. Tumingin ito sa kanya at nagtaas ng kilay.

"Okay...okay...I'll call you later," paalam ni Warren sa kausap.

Nakahalukipkip lang si Aira sa harap ng binata. Katulad ng kanyang inaasahan ay agad ipinagsiklop nito ang kanilang kamay. Napailing pa siya sa inasal nito. Pakiramdam niya'y isa siyang bata na gustong itali ng nanay para hindi mawala.

"I'm not going anywhere, Warren." Natatawa niyang sabi ngunit hinayaan lang niya ito.

"You have no idea how much my insides flutter when you're around." Ngumiti si Warren. Inilapit niya nang bahagya ang ulo sa tainga ng dalaga at bumulong dito. "I want you this close para hindi magkaro'n ng pagkakataon ang iba na agawin ka."

"Sira!"

Hinampas ni Aira ang binata sa dibdib nito. Iba talaga ang epekto ng simpleng pagbulong nito sa kanya. Para bang lagi na lamang may rally sa kanyang dibdib at naghuhumerentado. Akma siyang lalayo ngunit hindi rin siya nagtagumpay dahil mabilis pa sa alas-kwatro ang paghila nito sa kanya.

"Totoo naman, ha? Baka hindi ko mapigilan ang pagdapo ng kamao ko 'pag may nagtangkang pumorma sa'yo."

"Sssh! Ang kulit mo," saway ni Aira.

Pailan-ilang dumaraan na rin kasi ang napapatingin sa kanilang pwesto. Hindi niya lubos maisip na ganito pala maglambing ang isang Warren Madrigal lalo pa't nasa public place sila.

"Oo na, sa'yo lang naman ako ganito. Basta ayokong meron pang iba na nakakakuha ng atensyon mo. Ako lang dapat, ako lang, Aira."

Umirap si Aira sa kawalan pero deep inside tila kinikiliti na siya sa kilig. "Selfish."

"Yes, I'm selfish. I don't like sharing you with other people, Aira. Gusto ko ako lang nakikita mo, ako lang kailangan mo, at ako lang hahanapin mo. Dahil ako, gano'n ako sa'yo."

Nilingon ni Aira si Warren. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa kanya. Tagos sa puso niya ang sinseredad na ipinapakita ng mga mata nito. Mabigat ang titig nito sa kanya kaya naman kaagad siyang nag-iwas ng tingin. Hindi niya namalayan ang pagguhit ng isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

Damang-dama niya ang pagmamahal ng binata sa kanya. Maswerte na siya sa pagkakaroon ng isang mayaman at mabuting pamilya, hindi niya inakalang pati pala sa pag-ibig ay papalarin din siya.

Ano pa nga ba ang hahanapin niya?

Si Warren Madrigal. Kung sa pisikal lang ay may maipagmamalaki naman ang binata. Kayumanggi man ang kulay nito'y makinis naman at halatang anak-mayaman. Gwapo at maganda rin ang katawan. Dagdag pa na mas mataas ito sa kanya ng kulang isang talampakan na talagang hinahanap-hanap ni Aira sa isang lalaki. At isa pa'y galing sa may sinasabing pamilya.

Against the Wind [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon