KABANATA XXIX

449 3 0
                                    

KABANATA XXIX

________

"PWEDE ko namang dalhin 'yung sasakyan ko. Are you sure ihahatid mo pa ko?" tanong ni Aira kay Warren. Nilingon niya ang binata habang isinusuot ang seatbelt ng passenger's seat ng kotse nito.

Ngumisi si Warren. Isinuksok muna niya ang susi ng kotse sa susian nito bago hinarap ang dalaga. "Ang kulit mo rin talaga, 'no? Ihahatid kita. Susunduin kita. Okay na?"

Ngumuso na lang si Aira. Tatlong linggo na rin ang nakalipas mula noong opisyal na naging sila na nga ng binata. Sa maikling panahon na iyon ay damang-dama niya ang pagmamahal nito sa kanya. Kung walang masyadong trabaho sa opisina'y hatid-sundo siya sa pagpunta sa mga bahay ng mga kliente niya. Kung minsan nga'y naggagalit-galitan na siya dahil sa palagay niya'y napapabayaan na nito ang sariling trabaho. Madalas itong tumakas at gagawa ng paraan huwag lang siyang mapag-isa kasama si Harry.

"Warren!" saway niya sa binata nang bigla na lamang niyang maramdaman ang labi nito sa kanyang pisngi.

Kaagad nagprotesta ang mga paru-parong namamahay sa kanyang tiyan. Napapansin niyang hindi pa rin pala humuhupa ang mga iyon kahit ilang linggo na ang lumilipas. Sa tuwing hinahalikan, niyayakap, o 'di kaya'y simpleng pagbulong nito sa kanyang tainga ay iisa lang ang tugon ng kanyang katawan.

Kinikilig siya.

"Ngayon ako nagsisisi kung bakit Business Management ang kinuha ko. Hindi ko tuloy hawak ang oras ko. Hindi kita mababantayan nang mas madalas," nakangising sabi ni Warren.

Kalalabas lamang nila ng subdivision kung saan naroroon ang mansyon ng mga Alvarez.

"Hindi mo naman ako kailangan bantayan. Hindi ako mawawala, Warren.

Sumeryoso ang mukha ni Warren. Sumulyap muna siya sa dalaga bago muling ituon ang pansin sa daan. Nasa highway na sila kaya't diretso na ang kanyang tingin.

"But I want to. Ayokong nawawala ka sa paningin ko. Kung pwede nga lang sa isang bahay na lang tayo tumira para sa tuwing gigising ako ikaw kaagad ang makikita ko."

Napailing si Aira sa sinabing iyon ng binata. Sinulyapan niya ito. Nakagat niya ang kanyang labi habang pinapasadahan ng tingin ang ayos nito ngayon. Navy blue button down long sleeves at stripes na necktie na tinernuhan ng black pants. Sa likod ng upuan nito'y nakasabit ang itim na suit.

Nakatuon ang pansin ni Warren sa daan kaya't malaya niyang napagmasdan ang seryosong mukha nito. Hindi man nakangiti ay kitang-kita naman niya ang maaliwalas nitong awra.

Ano pa nga ba ang mahihiling niya? Sa hindi inaasahang pagkakataon ay ininigay sa kanya si Warren. Maalaga, responsable, botong-boto ng kanyang pamilya, at higit sa lahat seloso. Ang pagiging seloso at madamot nito ang nagpapalipad ng kanyang kaluluwa at puso. Pakiramdam niya'y nasa alapaap siya sa tuwing ipararamdam nito sa kanya na dapat ay ito lamang ang kanyang nakikita.

Napaayos na lamang siya ng upo nang lumitaw sa kanyang paningin ang unti-unting pagkurba ng labi ng binata. Mukhang nahuli siya nitong tinititigan niya.

"Bakit naman matunaw na ko n'yan? Bakit?"

"Wala. Oh! Ten thirty na pala. Male-late ka na n'yan. Sabi ko na sa'yo h'wag mo na ko ihatid, eh. Pasok pa ba 'yan sa opisina?" pag-iiba niya sa usapan. Itinuro pa man din niya ang digital clock malapit sa manibela.

Humalakhak si Warren. Inihinto niya ang sasakyan nang magpalit sa pula ang traffic lights. Mabilis pa sa alas-kwatrong kinuha niya ang kaliwang kamay ng dalaga na nakapatong sa mga hita nito at saka dinala iyon sa kanyang mga labi upang dampian ng halik.

Against the Wind [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon