KABANATA XXX

422 5 0
                                    

KABANATA XXX

________

NAG-IWAS ng tingin si Aira. Tinanaw niya sa malayo ang mga kaibigang sina Giselle at Alyson kasama ang magkasintahang sina Megan at Sean na masayang nagkukulitan sa kabilang side ng pool. Alam niyang walang kaide-ideya ang mga ito sa kung ano ang tumatakbong usapan sa pagitan nilang dalawa ni Roxanne.

Wala silang alam. Hindi niya pinagkalandakan sa mundo na mayroon siyang itinuturing na kaibigan ngunit sinasaksak na pala siya habang nakatalikod.

It's been three years ago noong mahuli niyang naghahalikan sa loob ng kotse ang noo'y boyfriend niyang si Daryl Salvador at si Roxanne. Hindi na niya binigyan pa ng isang pagkakataon ang binata kahit pa nagmakaawa ito sa kanya na ayusin ang gusot sa kanilang relasyon. Kailanman ay hindi niya iyon gagawin.

One mistake is enough. Naniniwala siya na kapag ang tiwala ay nasira na mahirap na iyong buuin. Na kahit mahal mo siya hindi ibig sabihin ay patatawarin mo na lamang siya basta at muling magpapakatanga.

Hindi siya ganoon. Hindi niya iyon kaya. Lalo na kung ang kasama nito sa pagtraydor sa kanya'y isang kaibigan. Kaibigan na kailanman ay hindi niya naisip na gagawan siya ng kataksilan. Na kapag nakatalikod siya'y susulutin ang taong ang akala niya'y hindi siya sasaktan.

"Aira..."

"I trusted you, Roxanne. You are my friend for six years noong time na 'yon." Nilingon ni Aira si Roxanne. Nagtaas siya ng kilay. "Magsisinungaling ako sa sarili ko kung sasabihin kong 'okay lang, tinatanggap ko na ang sorry mo'. Don't get me wrong, sa totoo lang nakalimutan ko na 'yon. If you didn't bring that issue again, hindi ko na ulit 'yon maaalala."

"I'm sorry..." halos paos ang boses na sabi ni Roxanne. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ni Aira ngunit kaagad nitong tinabig ang kanyang kamay.

"Who I am not to forgive a bitch like you." Tumawa nang mapait si Aira. Puno iyon ng panunuya habang matalim ang pagkakatig kay Roxanne. "Pero kahit patawarin kita ngayon, it will not change anything. You're a just an old friend na kayang sumulot ng boyfriend ng kaibigan niya. If you ever treated me as friend pero sa palagay ko ay hindi."

"Hey! Kayong dalawa d'yan! Tara na, h'wag kayong KJ!" sigaw ni Giselle sa dalawa. Kumakaway pa man din ito habang nakaupo sa gilid ng pool at nakababad ang mga paa sa tubig. Nakasuot siya ng blue green na two piece na bumagay naman sa medyo morena nitong kutis.

"Aira! Rox!" sigaw naman ni Alyson. Pagkatapos noon ay bumaling siya kay Giselle at buong lakas niya itong hinatak hanggang sa malaglag sa tubig.

Nakuha ng dalawa ang atensyon ni Aira. Kitang-kita niya ang pagkahulog ni Giselle sa tubig. Napailing na lamang siya nang gumanti ang huli at pilit na inilulubog sa tubig si Alyson. Walang pasabi niyang iniwan sa kinauupuan si Roxanne. Ni hindi niya ito nilingon manlang kahit narinig pa niya ang pagtawag nito sa kanyang pangalan na nasundan pa ng buntong-hininga.

"Magsiswimming ka na rin? Kunin ko na 'yung two piece sa taas?" bungad ni Megan sa kanya nang makalapit siya sa kabilang side ng pool kung saan may mga upuan.

Hindi man kita dahil pawang nakalubog sa tubig ay malalaman pa rin nakapulupot ang mga bisig ni Sean mula sa likod ng katawan ni Meg.

Against the Wind [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon