KABANATA XVII

417 7 0
                                    

KABANATA XVII 

Look deep into nature, and then you will understand everything better. 

-- Albert Eistein

__________

NAPUKAW ang pagmumuni-muni ni Aira nang sa wakas ay inihinto na ni Warren ang sasakyan. Kinapa niya ang maliit na button sa kanyang kanan at pinindot iyon upang bumukas ang bintana.

Pumasok ang malamig na hangin kahit pa tirik ang araw. Bahagyang tumabing ang ilang hibla ng kanyang buhok kaya naman hinawi niya iyon at iniipit sa kanyang tainga.

"Mines view?" nakataas ang kilay na tanong ni Aira nang bumati sa kanyang mga mata ang magkakatabing tindahan ng mga knitted na damit at kung anu-ano pang kagamitang tatak Baguio City.

Kinuha ni Warren ang susi at pinaikot iyon sa kanyang daliri, "Bakit?" ganting tanong niya sa dalaga.

"Bakit dito? Is it your first time here?" balik tanong ni Aira.

Muli niyang pinindot ang button upang bumalik iyon sa pagkakasarado. She's been in Baguio for how many times na. Ngunit sa pagkakaalala niya'y isang beses pa lamang siyang napunta sa sikat na pasyalang ito ng Baguio City, at nangyari lamang iyon noong unang beses niya rito.

"Hindi siyempre. May bahay kami rito, 'di ba?" diretsong sagot ni Warren.

"So, bakit dito? We look like first timers here. Turistang-turista ha."

Tumunog ang lock ng mga pinto ng Ford Ranger. Napapailing na lamang si Aira nang marinig naman ang pagsarado ng pinto ni Warren. Takang pinanood na lamang niya ang pag-ikot ng binata upang siya'y pagbuksan.

"He's so fast," bulong niya.

Kung siya marahil ang tatanungin ay wala pang sampung segundo'y nandiyan na ang binata at binubuksan na ang pinto para sa kanya. Pakiramdam niya'y nais lamang makasiguro nitong hindi niya ito mauunahan sa pagbababa. Knowing Warren Madrigal, paniguradong magagalit sa tuwing hindi niya ito pagbibigyan na pagbuksan siya ng pinto.

"Let's go," bungad ng nakangiting si Warren. Nakalahad ang isa niyang kamay sa harap ni Aira.

"Huh?" Pinagmasdan lamang ni Aira ang nakalahad na kamay sa kanyang harapan. Kunot noong hinuli niya ang mga mata ng binata. Nang magtama ang kanilang mga mata'y may kung ano ang mayroon sa mga nito na hindi nga lang niya mawari.

Hindi niya malaman kung aabutin ba niya iyon o hindi. Ngunit bago pa man siya makapag-isip ay dumampi na sa kanyang kamay ang mainit na kamay ni Warren.

"Tara," aya ni Warren at tuluyan na niyang hinila ang dalaga palabas ng sasakyan.

Wala nang nagawa pa si Aira kung hindi ang magpatangay sa binata. Ni hindi niya nagawang tumutol pa kahit hawak kamay nilang nilisan ang sasakyan na iyon.

"Tinatanong mo kung bakit dito, 'di ba? Hindi nga ito ang first ko rito, pero ito ang unang beses ko kasama ka."

Kitang-kita ni Aira ang kislap sa mga ni Warren noong sabihin niya iyon. Ngunit nang pagmasdan niya ito'y kaagad ding nag-iwas ng tingin ang binata at nauna na sa paglalakad. Gayunman, hindi pa rin nito binibitiwan ang pagkakahawak sa kanyang kanang kamay.

"Baba tayo ha?" pag-iiba ng usapan ni Warren.

Tumango lang si Aira at muling nagpatangay sa hila ng binata pababa sa view deck ng Mines view park. Hindi na rin niya napigilan pa ang pagsibol ng ngiti sa kanyang mga labi nang magkamot ng ulo ang kahawak-kamay na binata. Mukha kasi itong manliligaw na nakipag-date sa unang pagkakataon. Napapailing na lamang siya habang pinagmamasdan ang likod ni Warren.

Against the Wind [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon