KABANATA XVI

411 7 0
                                    

KABANATA XVI 

Mistakes are always forgivable, if one has the courage to admit them. 

-- Bruce Lee

__________

PIGIL ni Aira ang kanyang paghinga habang kinakapa ang susian ng sliding door. Nang marinig niya ang pag-click no'n ay marahan niya itong itinulak papunta sa kaliwa. Kasabay ng pagbukas ng pinto'y hinawi na rin niya ang nakatabing na kurtina.

Malayang nakapasok ang malamig at preskong hangin sa silid. Halos magtayuan ang lahat ng balahibo ni Aira sa sobrang lamig. Palibhasa'y madaling araw na kaya't hindi na rin niya mapigilan ang panginginig ng kanyang mga labi.

"Whoa! Ang lamig," sambit niya.

Inihakbang niya ang kaliwang paa patalikod. Nagdadalawang-isip siya kung lalabas ba o hindi. Ngunit bago pa man siya makapagdesisyon ay tumambad na sa kanyang harapan ang nakakunot-noong si Warren. Napaawang ang mga labi niya nang mahuli niya ng tingin ang binata. Bukod sa wala pang isang metro ang layo nila sa isa't isa'y nakabukas na ang kaninang hindi nakasinding ilaw.

Mula sa kinatatayuan ay kitang-kita ni Aira ang tila bagong gising na si Warren. Nakasuot ito ng kulay abong shorts at Nike na hoodie. Medyo magulo rin ang buhok na sa tingin niya'y bumagay sa binata. Halos makabisado na rin niya ang halos perpekto nitong mukha. Ang magandang pares na mga mata nito'y katulad ng sa mga fictional character na sa tingin pa lamang ay marami nang nais ipahiwatig. Tila nangungusap iyon kung tititigan. Ang jawline nito'y bumagay din sa may katangusan nitong ilong at makinis na balat. Kung hindi nga lang sa maliit na peklat nito sa gilid ng kaliwang patilya'y wala nang maipipintas sa binata.

"It's not the right time to praise him, Aira!" sambit ni Aira sa kanyang isip. Nag-iwas na lamang siya ng tingin upang hindi mahalata ni Warren ang pagtitig niya rito.

Tumikhim si Warren. "Bakit gising ka pa?" diretsong tanong niya sa dalaga.

Ibinalik ni Aira ang tingin sa binata ngunit sa pagkakataong ito'y hindi na niya hinayaan na muling maglapat ang kanilang mga tingin.

"Ah, a-ano kasi ano," nauutal na sagot niya. Hindi niya alam kung bakit nga ba hindi siya makasagot ng diretso gayo'ng simple lang naman ang tanong ng binata sa kanya.

"Huh?"

"Ano, ikaw bakit gising ka pa?" balik tanong ng dalaga.

"Nakatulog na ko kanina pero nagising lang ako sa tawag ng---" saglit na huminto si Warren sa pagsasalita. Para bang masuring iniisip ang dapat sabihin.

"Wala, may tumawag lang. Ikaw ba't gising ka pa?" pagpapatuloy ng binata.

"I can't sleep. Namamahay ata ako," pagsisinungaling niya.

Alam niyang kahit saang bahay siya dalhin basta't inaantok na'y paniguradong bagsak kaagad siya sa kami. Ofcourse, hindi pa siya nasisiraan para sabihing ang binata ang dahilan ng hindi niya pagkakatulog, na halos paulit-ulit niyang naiisip ang pagtatalo nila kanina sa kotse.

Against the Wind [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon