Against the Wind

2.2K 27 1
                                    

Ang desisyon sa buhay at pag-ibig ng isang tao ay katulad ng pag-ihip ng hangin.

Katulad ng mga pinong talulot ng bulaklak.

Katulad ng mga tuyong dahon ng puno.

Katulad ng mga alikabok sa kung saan.

Maaring magpatangay...maaaring magpaubaya patungo sa lugar na ang hangin lamang ang nakakaalam.

O di kaya'y katulad ng mga saranggola sa papawirin, maaaring sumalungat...maaaring lumaban upang marating ang lugar kung saan nararapat.

Si Aira. Sinalungat ang sariling kagustuhan...sa buhay at pag-ibig. Marating niya kaya ang lugar kung saan siya nararapat? Kung saan siya nababagay?

Against the Wind [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon