Blake's POV
Dinala agad 'ko sa hospital si Megan. Hindi ko tinawagan ang kung sino man. Alam kong ayaw ni Megs may makaalam nito...
Binabantayan ko sya dito sa kwarto habang naghihintay ng resulta..
S-sana....
"Uhm, mister Elizalde?" Tumayo agad ako nang makapasok ang doctor.
"Y-yes doc?" Kinakabahang sagot 'ko. Napatingin sya kay Megs, pati ako napatingin.
"Sana hindi na maulit pa ang pagpalo sa ulo niya."
"W-why, doc?"
"Pwede niyang ikamatay 'yon."
"A-anong ibigsabihin non, doc?" Mas lalong kumabog ang kaba sa dibdib ko..
"She has a brain cancer, Mr. She has a brain tumor."
Hell no! No... No..
**
Timi's POVSusundan ko sana si Megan nang may pumalo sakanya ng tubo! Lalapit sana ako pero may lumapit na lalaki sakanya..
Sino ba talaga yun? Aish!
"MEGAN!" Sigaw pa nya. Nag uusap sila pero di ko marinig. May dugo sa ulo ni Megs pero hindi ko sya malapitan.. Dinala nung lalaki sa kung saan ni Megs..
"Timi?" Biglang may nag salita sa likod ko!
"Ay!!" Napaigtad ako. "J-Jemen! A-ano ginagawa mo dyan?"
"Binabantayan ka."
"Huh? B-bakit?"
"Maraming gustong pumatay sa 'yo, kasi mahal ka ni DG-Dragon. Gusto ka nila patayin para makaganti kay Boss.." Boss? DG-Dragon?
Si M-Megs?
"Boss...DG-Dragon... You mean, si Megs ang DG-Dragon?" Tanong ko. Pinakamalakas daw ang DG-Dragon..
"Yes." Sagot nya nang seryoso. "Pumasok ka nalang, nakasunod sa 'yo ang mga bantay mo." Tas may lumabas sa likod nyang dalawang lalaki. "Sila si Jack and Zack. Magkapatid ang iyan. Jack, Zack, bantayan niyo sya." Tumango yung dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/73453121-288-k87815.jpg)
BINABASA MO ANG
Hot Prince Meets Cold Princess (COMPLETED)
Storie d'amorePaano kung magtagpo ang mga mundo nila? Mainit ang mundong ginagalawan niya. Mainit na mga mata ang nagkakagusto sa kaniya. He's hot. His hotness can make your jaw drop. And she's-- she's the cold. Her coldness can make your jaw drop. Not until sh...