Eto yung chapter na may lilinawin si Timi. Thanks!
~Jadeng❤
--
MEGAN'S POV
[FLASHBACK]
(Eto na haaha)
"A-anong lilinawin?" Tanong ko sakanya. Lumabas muna si Blake para makapag usap kami ng maayos. I know Timi. Mahalaga to, kaya dapat kong linawin, ramdam ko.
"About Jessica." Iwas ang tinging sabi niya. Tumango tango ako, I just smiled, A weak smile. Ewan ko ba, simula nung naging fake lovers kami noon, noong panahon na yun, sobrang saya ko. Para akong nanalo sa lotto. Haha. "Kasal ba talaga siya?" Nawawalang pag-asang sabi niya habang nakakunot ang noo. Mababasa sakanyang mga mata ang sakit na dumadaloy mula sakanyang puso. Damang-dama ko yun, dahil naranasan ko na din 'yon, tulad ng dinadanas nya ngayon. "I l-love...her.. So much.." Namamaos ang boses na sabi niya, napaiwas ako ng tingin. Nasasaktan ako kapag sinasabi niyang mahal nya si Jessica. Bawat salitang matamis na ibinabato nya kay Jessica, tinatamaan ako ng katotohanang hindi niya ako kayang mahalin. Hindi ko alam, naiinggit ako kay Jessica. Sobra akong naiinggit sakanya. Bawat matatamis na salita na nanggagaling kay Timi at nasasalo ni Jessica, ay parang tinutusok ng karayom ang puso ko, na para bang ipinamumuhka sa akin na wala akong pag-asa. Na hindi ako kamahal-mahal sapagkat siya ang mahal ng aking minamahal.
"Pina-imbestiga 'ko siya, 'yon ay totoo. Hindi kami kumukuha ng isang pekeng imbestigador." Malamig na sabi ko, ngunit sa loob loob ko ay gusto ko syang yakapin ng walang katapusan pero ako ay ginigising ng katotohanang si Jessica ang mahal nya. God knows, God knows how much I love him. "Biro lang."
"Sa susunod, magbiro ka, 'yong nakakatawa. Tch." Nakangusong sabi niya. Napaiwas ako ng tingin sa mga labi niya, ang labing nakakapagpatumba sa isang Elizalde na tulad ko. Ang labing nakapagpatiklop sa akin.
"Hmm, Binigay 'ko na sa 'yo ang kopya." Sabi ko nalang habang nakayuko. "Yun lang nakuha 'kong impormasyon." Dagdag ko.
"Ba't ka ba nakayuko?" Tanong nya, nagtaas ako ng tingin tsaka nag iwas ng tingin. "By the way, thank you for telling me the truth."
"Ok."
"Aalis na ako, pagaling ka." Sabi niya tsaka umalis. I know he loves Jessica so much. Ako nga di niya minahal eh. Sa bawat titig at ngiti niya kasama si Jessica, mahahalata mong sobrang saya nya. I hope I can be Jessica Lee.
"Ano? Anong sabi ni Timi?" Agad na tanong ni Blake at nag aalalang tumingin sakin.
"Tungkol kay Jessica Lee."
"Oh.., about my ex." Ex nya nga pala si Jessica Lee. -.- "wanna eat? Sabi ng doctor, may iinomin kang mga gamot. And, pwede ka ng umalis dito. Pero kailangan mo magpaopera." Tumango ako. "Papa wants to talk to you."
And dun na nangyari. Na pinalayas ako ng sarili kong ama sa bahay kung saan saksi sa aking buhay.
[END OF FLASHBACK]
Inaalala ko pa din ang mga nangyari nung gabing yun. Para akong pinupukpok sa sakit ng ulo pero parang mas matimbang ang sakit sa aking dibdib. Para akong sinusuntok, pinahihirapan, tinutusok kapag naalala ko.
Ngayon ay nakatira ako sa isang bahay dito sa Tagaytay. This is our rest house. Pero di na ginagamit, besides, na sa 'ken naman ang susi, at akin na to. This is not Papa's property anymore. Tinignan ko ang refrigerator. Walang kalaman-laman. Syempre, more than 5 years na mula nung di namin napuntahan to. Parang luma na at puro alikabok, di ko alam kung paano ko ito lilinisin. May mga sapot pa ng gagamba, buti at tabing dagat ito. Mas masimoy ang masarap sa balat na hangin, dito parang wala akong problema. Dito parang bata lang ako. Bukod kasi sa rest house namen, wala ng ibang bahay dito. Naging private ang lugar na to mula nung binili ni Papa. Mag 19 palang ako, pero gusto nila may fiance na ako agad. Weird right? That is our tradition.
(Jadeng's Note: Mag 19 si Megan, kung natype ko sa ibang chapter ay mag 18 don't mind it, 19 talaga.)
Nakakamiss itong lugar na ito. Dito ko nakilala si Yohan. Dito kasi kami pumupunta kapag dinudumog kami ng isang tambak na problema, na hindi maubus-ubos. Dito ang takbuhan namin. Pero ngayon, mag isa nalang akong pumupunta dito. Nangako ako kay Yohan na kapag may fiance na ako, ipapakilala ko siya, dito mismo sa lugar na to. Akala ko si Timi na yun, hindi pala, kasi may mahal siyang iba.
Umupo ako sa tabing dagat, white sand dito. Maraming puno kaya masarap ang simoy ng hangin.
Tumulo ang mga luha kong kahapon pa pinipigilan, kulang pa ang iniyak ko kahapon. Nakamotor lang ako pumunta dito, alangan namang maglakad. Tss.
Sobrang sakit pala talaga ano? Bukod sa family problems, may love problems pa. Ok naman ako sa math problems, pero sa dalawang iyan? Bigti nalang.
Hindi ko minahal ng ganito si Ivan, kung seryoso ako kay Ivan noon, mas seryoso ako kay Timi ngayon. Ewan ko ba, para nya akong ginayuma.
Pagkatapos umiyak, kumain ako ng noodles. Ito lang kaya 'kong lutuin eh. Pero kaya ko naman yung Hotdog, Itlog, pancake yun. Atleast nga kaya magluto. Tss.
Hinugasan ko ang mangkok at saka naligo. Pagkatapos maligo, tinignan ko ang cellphone.
No missed calls, no texts.
T*ena, syempre, walang signal -.-
Natulog ako agad. Siguro dala na din ng pagod at antok kaya bagsak ako ngayon.
Sana kayanin ko.
To be continued
VOTES AND COMMENTS
BINABASA MO ANG
Hot Prince Meets Cold Princess (COMPLETED)
RomancePaano kung magtagpo ang mga mundo nila? Mainit ang mundong ginagalawan niya. Mainit na mga mata ang nagkakagusto sa kaniya. He's hot. His hotness can make your jaw drop. And she's-- she's the cold. Her coldness can make your jaw drop. Not until sh...
