TIMI'S POV
"DAMMIT! Palabasin niyo ako! Kailangan 'kong puntahan si Megan!" Sigaw ko kina Klare.
Umiiyak silang lahat, miski ako ay tumutulo ang luha. Anong nangyari? Bakit may pagsabog? Bakit.. Bakit may ganito? Parte ba ito ng pagkakaisa sa Mafia Business? Hindi 'ko maintindihan!
"Timi, calm down, it's dangerous," kalmadong sabi sa akin ni Piper.
Hindi ko alam kung bakit niya nagagawang maging kalmado sa gitna ng punyetang labanan na ito!
Tumulo ng tumulo ang luha ko. Hindi dahil sa iniindang bala sa aking binti, dahil hindi ko alam kung uuwi pa ba sa akin ng buhay ang mahal ko.
Nang makita si Adam ay agad akong sumigaw.
"Adam! Adam.. Adam! S-Si.. Si Megan! Asan yung ate mo? Asan siya!?" Umaasa akong sasabihin niyang buhay pa si Megan.
Ang pagkakailanlan ko kay Kevin ay isa siyang taksil, mandarayang kagrupo! Posibleng dayain niya si Megan sa labanan.
"Timi," tawag niya sa akin. Kumikibot ang labi ko habang tinitignan siya. Ni-hindi ko magawang magsalita ulit. "Kumalma ka, Timi, susunduin niya lang si Nicole, 'kay?"
Tumango ako kahit na alinlangan pa akong naniwala. Paano kung hindi? Megan still has a cancer! Paano ako kakalma?!
"Shit!" Sigaw ni Jill nang lagyan siya ng betadine ni Pips.
"Kailangan natin itong magamot, Klare, paki-abot ng benda." Tumango si Klare at iniabot ang benda kay Klare.
Pinikit 'ko ang mata ko at nagdasal ng nagdasal na sana walang nangyaring masama sa fiancee 'ko. Hindi 'ko yata kakayaning wala siya.
"Damn!" Patakbong pumunta dito si Blake. May tumamang bala sa kaliwang braso niya na agad namang ginamot ni Klare pagkatapos akong gamutin.
"Blake, ano? May balita na ba sakaniya? Kay Megan? Asan na siya?" Paulit ulit kong tanong.
Nakita 'kong nangilid ang luha niya. Lalo akong napakibot ang labi, mas lalong bumuhos ang luha ko.
"Wala pa.. Nag-aalala ako kay Megan..," halos makahinga ako ng maluwang dahil ibigsabihin, hindi totoong hindi pa siya nakahiga at nakahandusay!
Maya maya pa ay dumating si Nicole na iyak ng iyak. Kasunod nito si...
Jemen at Gage na buhat buhat si Megan.
Walang emosyon kong pinanood si Janice na kuhanin si Megan doon sa dalawa.
Nang makarating at makalapit siya sa akin ay agad bumuhos ang aking luha. Ganoon rin si Janice.
Dalawang bala. Dalawang bala ang tumama sakaniya!
Galit na galit ako nang yakapin ko siya, tinitigan ko ang kanyang maamong muhka. Bakit kahit ganito ay nagagawa ko pa ring panoorin ang maamong muhka?
BINABASA MO ANG
Hot Prince Meets Cold Princess (COMPLETED)
RomancePaano kung magtagpo ang mga mundo nila? Mainit ang mundong ginagalawan niya. Mainit na mga mata ang nagkakagusto sa kaniya. He's hot. His hotness can make your jaw drop. And she's-- she's the cold. Her coldness can make your jaw drop. Not until sh...
