Chapter 75

2.5K 67 0
                                    

TIMI'S POV

Nang lumabas ang Doctor ay agad akong tumayo. Natigil ang aking luha ngunit naroon pa rin ang pangangamba. Why do we need to be like this? Why? Just tell me why, we were just so happy back then, why do we need to be like this? To suffer? To be sad? To be angry? To be mad? Oh, God.

"How's my daughter?" maluha-luhang tanong ni Mrs. Elizalde.

Suminghap ang doktor bago magsalita. Ang muhka niya ay disappointed kaya kinakabahan ako.

"Ang ginamit na bala ay may poison. Hindi pang karaniwang baril ang ginamit sakaniya," baritonong boses na sabi ng doktor.

Agad tumulo ng dalawang beses, magkasunod ang luha ko. Wala kong emosyong nakinig.

"What..?" mahinang bulong ni Blake. Rinig ko iyon. Rinig ko rin ang pintig ng puso ko. Kabadong kabado.

Paano kung.. Paano kung..hindi ko matapos! Dahil hindi ko maisip na mamamatay si Megan! Hindi! Kailan man ay hindi ko siya pinag isipan na mamatay!

"We don't know if she's not in danger pero naalis na ang bala sakaniyang dibdib at balikat,"

She's in danger. Iyon iyon! Hindi lang masabi ng doktor! Halos hindi ako makahinga habang tahimik na umiiyak.

"Iyon lang ba? Kailan siya magigising?" tanong ni Mr. Elizalde.

"We don't know. As I said, we are not sure if Megan is in good condition. Because poison is a poison, Mr. And Mrs. Tinetest pa namin,"

"Thank you, Doc." sagot ni Adam.

Nakukulangan ako! Pero bakit ganoon? Kahit nakukulangan ako sa mga sinabi niya, hindi ko man lang mabuksan ang bibig ko? Bakit ni isang salita walang lumalabas sa bibig ko? Bakit kahit anong gusto kong sabihin hindi ko masabi? Napipe na ba ako sa sinabi ng Doctor? Bakit? Ang dami kong hindi maintindihan.

Hindi ako minulat ng aking mga magulang sa isang ganitong sitwasyon. Ni hindi ako tinuruang makipaglaban.

"Excuse me,"

"Doc-"

"Timi," saway sa akin ni Adam.

"Just wait for her to wake up. I know she'll wake up, trust me," puno ng pag-asang sabi ni Margarette.


"She'll wake up..yeah..for me.." puno ng pag asang sabi ko.

Gusto kong maging positibo. Ayoko ng negatibong resulta! Gusto kong makasama habang buhay si Megan, gusto ko siyang pakasalan sa harap ng Diyos, sa harap ng pamilya naming dalawa. Gusto kong patunayan na kami lang talaga. Ngunit paano mangyayari iyon kung ang mahal 'ko'y naka higa sa kama ng ospital at walang kamalay malay?

Gusto ko ng magbago. Gusto kong maging malakas, gusto kong ako naman ang mag protekta sa girlfriend ko at pamilya ko. Lahat ng nakapaligid kay Megan, sakaniya umaasa, paano naman sya? Mahal ko si Megan at gusto kong maramdaman niya ang pakiramdam na naliligtas! Pero paano ko magagawa kung napakahina kong tao?

"Mr. Elizalde," tawag ko sa ama ng aking pag-aaring si Megan.

Lumingon siya sa akin gamit ang malungkot na mata. Kahit hindi umiiyak ay nangingilid ang luha at alam kong pinipigilan niya iyon tulad ng aking ginagawa. Pinangingiliran ng luha ang lahat, ngunit ang iba ay pilit inaalis ang lungkot at gustong maging malakas. Alam kong gusto ni Megan na kayanin namin ito. Para sakaniya, ang lahat ng ito ay wala lang. Malakas si Megan, alam niya kung hanggang saan ang limitasyon niya, alam niya kung saan hahantong ang mga bagay ngunit bakit ganoon? Bakit humantong sa ganito? Hanggang ngayon, wirdong wirdo at hindi ko maintindihan kung ano ba talagang klase sila. Napakawirdo at misteryoso.

"Yes?" tumayo ako at medyo hinila siya palayo sa kanila. "Bakit, Mr. Montefiore?"

"I want you to teach me..martial arts," sabi ko na bahagyang ikinagulat niya. "Iyong kayang mag ligtas ng buhay ng iba, iyong hindi aasa at tatayo mula sa sariling paa."

Sumilay ang ngisi sa kaniyang muhka kahit na ang mata ay malungkot.

Para sa iyo ito, Megan. Para sa atin ito, babe.

To be continued

VOTES AND COMMENTS

Hot Prince Meets Cold Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon