Chapter 84

2.2K 58 5
                                        

MEGAN'S POV

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin sa sasakyan. Ni-hindi niya nga ako tinulungan sa paglalagay ng maleta sa likod. Gano'n ba kalaki ang galit niya sakin? Dammit.. Bakit siya galit sakin?

Taena, Megan! Huwag kang tanga! Syempre may asawa na siya kaya umiiwas sayo! Napakatanga! Estupida!

May nakabara sa lalamunan kong hindi ko malaman kung ano ba iyon. Ni-hindi ko rin alam kung saan ako pupunta dahil nagpunta ako ng Pilipinas ng biglaan.

"Hmm, saan ka tutuloy?" malamig niyang tanong habang iniliko sa kanto namin ang sasakyan.

"Hindi ako puwede sa aming umuwi..," iwas-tinging sabi 'ko.

Kumunot ang noo niya at nilingon ako.

"Bakit? Tumakas ka?" taas-kilay nitong tanong.

Naglapat ang aking labi sabay tango.

"Bakit ka ba umuwi dito sa Pinas? Akala 'ko ba doon na kayo titira? Iyon ang sabi sa akin ni Adam," sabi niya at ibinalik ulit ang sasakyan sa dinadaanan namin kanina.

"Maghohotel nalang ako.." sabi ko habang pinanghihinaan ng loob.

Hindi kami nagbreak. Hindi kami nag usap. Umalis lang ako pero hindi ko sinabing hindi ako babalik. Babalik ako pero anong nadatnan ko ngayon? Si Timi na may asawa na? Idiot!

"Hotel?" kunot-noong tanong nito. Tumango ako at tumingin sa bintana. Ang sakit sakit sa dibdib. "I will tell Daddy about this, sa amin ka na tumuloy," sabi niya.

"M-Mag hoho-"

"Huwag ka ng mag reklamo." putol niya agad sa akin.

Baka mag selos ang asawa niya. Pero wala naman kaming gagawing masama kaya okay lang siguro 'yon? Kahit naman mahal na mahal na mahal na mahal 'ko si Timi, may respeto ako sa pamilya niya. May respeto ako sa asawa't anak niya.

Tahimik akong nakatingin sa bintana habang siya ay sumisipol. Hindi man lang siya nagulat kanina nang makita ako. Hindi niya inaasahan o kailan man ay hindi niya na ako hihintayin.

Nakarating kami sa bahay nila. Ako pa rin ay walang imik.

"Why the hell are you quiet?" bigla niyang tanong habang naglalakad papunta ng kaninang napakalaking pinto.

Hindi pa din ako umimik. Nanatili akong nakayuko at dinadama ang bawat yapak habang dinadama rin ang sakit sa dibdib.  Nag iinit ang gilid ng aking mata, hinang hina.

"Nothing.." sabi ko ng mahina.

Nilingon niya ako at hinanap ang aking mata ngunit puro iwas tingin ako dahil baka makita niya ang malungkot kong muhka.

Ayokong makita mo akong malungkot habang ikaw ay masaya sa piling ng iba.



"Sure ka?"  Tumango ako at nang tuluyan kaming pumasok ay napanganga ang taong naroroon.

"A-Ate Megan?!" sigaw ni Tan Tan, iyong kapatid ni Timi. Naalala niyo pa ba siya?

Ngumiti ako ng peke sakaniya. Bigla niya akong niyakap. Napakunot ang noo ko sakaniyang ginawa.

"Akala namin ay patay ka na! Huhu!" madrama niyang sambit.

What? Patay? What the hell?

"Who told you I'm dead?" gulat 'kong tanong.

Nilingon ko si Timi na tinuro ni Tan Tan.

Gusto niya na pala na patayin ako bakit hindi niya pa gawin? Taenang iyan! Dapat namatay nalang pala ako, hayop!

Ang sakit.

"That's what your Papa said," kibit-balikat niyang sabi.

TAENAAAAA!  Mas nag alab ang galit ko sa narinig.

"Ah, saan kwarto 'ko rito?" tanong ko, iniiba ang usapan.

Galit, selos, inis, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko!

"Sa kwarto 'ko. Ginagawa 'yong guestroom, puro paint, mabaho," sabi ni Timi at umakyat sa taas.

"Ate, gusto mo ng juice?"

"Thanks, Tan, pero huwag na.." Nakangiti ng pilit kong sabi.

"Ah, sige!"

"Timi." tawag ko kay Timi at umakyat rin. "Masiyado bang mabaho sa guestroom? Baka puwedeng doon ako?" Dahil baka mag selos asawa mo.

Umiling siya. "Magagalit si Daddy kapag doon kita pinatulog,"

"Bakit ka naniwalang patay na ako?"

"Baka iyon ang totoo, malamang iyon ang paniniwalaan 'ko."

Naniwala kang patay na ako...kaya nag asawa ka, ganoon ba?

"Ah.."

"Aalis lang ako, sasamahan 'ko sina Lorraine at Lily, talagang hinatid lang kita. Naaasiwa ako rito." sabi niya ng malamig at saka padabog na umalis.

Damn, ang sakit talaga shit.

To be continued

VOTES AND COMMENTS

Hot Prince Meets Cold Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon