Chapter 34: The Pain 2

2.7K 76 1
                                        

Yuhoooo! Dapat lubus lubusin ko na ang pag u-UD!

~Jadeng

xx

Adam's POV

Nang makabalik si Timi, nakayuko sya.

"Ano? Nakauwi ba siya ng maayos?" Agad 'kong tanong.

Tumango sya. "S-sumakit yung ulo niya.." Natigilan ako. Pati si Ivan, Klare, at Piper. Kaming apat..

Hindi kaya...

No! Wag mong isipin yun, Adam! Wag!

"A-ah.." Napanganga si Klare. "B-baka naman dahil lang sa alak yun, 'diba?" Pinipigilan nyang maluha.

"O-oo nga! Oo, sa a-alak lang yun, ano ba kayo! Hehe!" Tumawa si Pips pero halatang peke yun.

"Bakit? Anong problema?" Tanong ni Timi.. Wala nga pala syang alam.. Hindi sinabi ni Ate sakanya? Ayaw nga palang ipaalam nya yung nakaraan...

Agad kaming umiling pagkatapos magkatinginang apat.

"Wala yun! Masyado kang ano, eh!" Kunyaring tumawa si Klare.

"Oo nga! Gabi na din pala, uwi na kami ah?!"

"Hatid ko na kayo." Saad ni Jill, di naman kami masyadong lasing.

"Sige, Jill, ikaw na bahala kina Klare. Iuuwi ko pa motor ni Ate eh. May duplicate naman ako nung susi." Tumango sya at umalis silang tatlo ni Klare st Pips.


"Uy, Jem! Una na kami ng kuya mo, lasing na eh." Sabi ni Nicole kay Jemen. Alam ni Jemen yung kay ate pero di nya alam na posibleng bumalik. Umalis na ang iba, pati sila Timi at ang nililigawan nitong si Jessica. G*go din yung kaibigan ko na yun eh. Private reasons daw amp. Dami nyang alam, g*go sya.



Naiwan kaming tatlo.

"Imposible namang bumalik yun, right?" May pag asang sabi ni Jemen.

"S-sabi ng doctor noon, posible..." Iwas tinging sabi ko.

"H-hindi pwede m-mangyari yun, teka.. Nahampas ba ang ulo nya? Or nauntog ng malakas?" Tanong ni Ivan..

Hot Prince Meets Cold Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon