Megan on multimedia! =) haler readers!
--
TIMI'S POV
Maraming ginawa mula no'ng ianunsyo ng LaiTaReh ang kasal namin ni Megan. Hindi 'ko alam kung bakit gano'n, pero sobrang tuwa 'ko. Kahit na nasaktan ko si Megan ng ilang beses, nagagawa niya akong patawarin. Ang swerte ko lang! Sobra! Dahil meron akong Megan na mamahalin ako ng walang hanggan at walang katapusan. Kahit hindi pa man kami tumatanda ay sigurado na ako. Kahit hindi pa kami ganoon kahanda sa magiging buhay namin sa hinaharap, alam kong iyon ang gagawin niya. Ang mahalin ako ng sobra sa darating na panahon. Ngayon pa ma'y damang dama ko na ang pagmamahal niya sa akin. Paano pa kaya sa mga susunod, 'diba? Ganoon rin ako. Alam kong siya lang. Siya nalang. Siya lang lagi, hindi na magbabago.
"Seems like both of you..are too happy?" pahalakhak na tanong ni Adam sabay umupo sa tabi ko.
Ngumisi ako. "Eh, ikaw? Kailan ka ba ikakasal? Si Jill, muhkang magpo-propose na kay Piper. Napag-iiwanan ka na, ah?" Pang-bubuska ko rito.
May party sina Megan at ibang bride's maid kaya hindi kami magkasama. Ang iba nama'y talagang busy at seryoso sa pag-aayos ng kasal namin, mamaya rin ay may party kami ng mga lalaki.
Nasuntok naman ako ng mahina sa braso ni Adam.
"Loko!" Sabi niya at humalakhak. Bigla naman siyang sumeryoso. "Humahanap lang ako ng t'yempo, tagal 'ko ng nagpapakatorpe, p're. Anim na taon na ito! Mula no'ng-"
"WHAT?" biglang sigaw naman ni Jill sa likod. Ang ingay nitong lalaki na ito! "Ibigsabihin nasa J.U. palang tayo, gusto mo na siya-- mahal mo na?" Curious na tanong nito, na-e-excite siya sa mga isasagot ni Adam. Dahil mula noon ay walang naging girlfriend si Adam.
Tumango si Adam. "Letse ka, pare!" Sigaw ni Adam rito nang humalakhak si Jill.
"Seryoso? Tama nga si Blake! Ikaw lang ang Elizalde'ng torpe!" tawang tawang sabi ni Jill at halos mang hampas. Hawak-hawak niya na nga ang tiyan niya sa sobrang tawa.
Napailing ako dahil kahit kailan ay hindi nagbago si Jill, bukod sa naging sila ni Piper. Kahit papaano naman ay nag matured sila pareho. Pero hindi pa rin namin sila mapigilan sa pagkain ng marami. Tssss.
"Namo! Tigilan mo nga ako! Porket unang nagkagusto sayo si Piper!" Asar ni Adam pabalik.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil ganun pa rin sila kapag magkakasama kami. Dahil sa sobrang tagal naming nawalay kay Adam, ni-hindi namin naisip na mangyayari ulit ito. Mas naging matured ang mga hitsura pero ang ugali, asahan mong kahit kailan, kahit gaano katagal ang lumipas, walang lamat! Hindi magbabago!
BINABASA MO ANG
Hot Prince Meets Cold Princess (COMPLETED)
RomancePaano kung magtagpo ang mga mundo nila? Mainit ang mundong ginagalawan niya. Mainit na mga mata ang nagkakagusto sa kaniya. He's hot. His hotness can make your jaw drop. And she's-- she's the cold. Her coldness can make your jaw drop. Not until sh...
