Oh! Eto na ang pinakahihintay niyong update! Sorry medyo matagal! :)
-Jadeng
--
MEGAN'S POV
"Taas pa! Ano ba iyan!?" sigaw ni Blake at suminghap sa tinuturuan naming sampong susunod sa MAEC. Marami na kaming tinetrain dito sa London upang maging MAEC ng kanya-kanyang pamilya.
Apat na taon! Apat na taon na akong nangungulila kay Timi, apat na taon, na dapat kasal na kami ngayon. Hanggang ngayon, nasa akin pa din ang singsing. Okay na sana kami.. Punyeta!
Hanggang ngayon ay galit na galit ako sa Papa 'ko. Galit na galit ako sa pagiging MAEC 'ko. Apat na taon 'kong tiniis ang hindi umuwi sa Pilipinas. Ngayon, hindi na ako makakapayag pang hindi makauwi ng Pilipinas. Kahit pa singkong duleng ay hindi ako bigyan, ayos lang.
"Itaas ninyo ang kaliwa! Punyeta!" sigaw na naman ni Blake sa mga soon-to-be MAEC. Bumaling si Blake sa akin. "What, Megan? Just help me!"
"You're the trainor," malamig kong sagot. "Call Adam to help you," sabi ko at suminghap sabay tayo.
Aalis na sana ako nang hawakan nya ang braso ko.
"You're still mad at us?" tanong niya at ipinahinto ang mga soon-to-be MAEC. "Water break! Ano, Megan? Galit ka pa din ba sa amin?"
Napaangat ang gilid ng labi ko sa tanong niya.
"If Papa force you to leave Margarette just for mission, would you leave her?" natigilan siya sa tanong ko. Sobrang gulat siya nang tanungin ko siya.
"N-No.."
"Iyon ang nararamdaman 'ko noon, Blake. Naintindihan niyo ba?! Ha?! Diba, hindi!" sigaw ko.
Biglaan namang pumasok si Papa at Mama sa training room.
"What's happening?!" sigaw ni Papa, pero bago bumaling sa amin ay tinignan nya ang mga soon-to-be MAEC. "Tomorrow,"
Nagsitanguan at nagalisan ang mga tao. Tanging apat lang kaming natira.
"What's happening, Blake?" kalmadong sabi ni Papa.
"It's nothing." sagot ni Blake.
Umangat ang gilid ng labi ko, sarkastiko akong tumawa.
"What do you expect? We're shouting at each other." walang gana kong sabi.
Mula nang iwan ko ang Pilipinas kung saan nandoon ang mahal ko ay nawalan ako ng gana sa buhay. Nakatapos ako, naging mabuting MAEC pero hindi ko nakasama ang mahal ko. Para saan pa lahat ng ito?
"You're still mad?" tanong ni Mama.
Pumikit ng mariin si Papa at saka dumilat ulit, tinuro nya ako habang nagtitiim-bagang.
"Yes, I'm fvcking mad," malamig kong sabi.
"Move on!" sigaw sakin ni Papa para ako naman ang pumikit ng mariin dahil sa nakakabinging sigaw niya.
"How can I fvcking move on? Kinuha niyo ang kaligayahan 'ko, kinontrol niyo buhay 'ko, dahilan para mag hiwalay kami ng mahal 'ko!" Galit na galit kong sigaw.
"YOU'RE AN ELIZALDE!"
"I hate being MAEC! Dammit! Puro kapakanan ng iba ang iniisip niyo! Paano naman ako?! Eh, taena! Nasira kami ng mahal 'ko!"
"Megan, you're talking to him, you're talking to Papa." singit ni Blake habang nakahalukipkip.
"Wala na akong pake kung saan niyo ako ipatapon, dahil mula ngayon, kakalimutan 'ko ng isa akong MAEC!"
Ngumisi si Papa.
"You can't, nandito ka na, Megan."
"I can, huwag kayong mag-alala, ni-isang kusing, hindi ako kukuha sainyo!" taas-baba ang dibdib ko dahil sa mabilis na paghinga.
Tumalikod ako. Ito ang plano ko. For fvcking 4 years, ngayon ko lang ito itinuloy!
Sumenyas si Mama sa akin na umalis na.
She understand me.
Pero bago pa man makaalis ng tuluyan ay may isinigaw si Papa.
"WALA KA NG BABALIKAN!"
What does he mean?
To be continued
VOTES AND COMMENTS
BINABASA MO ANG
Hot Prince Meets Cold Princess (COMPLETED)
RomancePaano kung magtagpo ang mga mundo nila? Mainit ang mundong ginagalawan niya. Mainit na mga mata ang nagkakagusto sa kaniya. He's hot. His hotness can make your jaw drop. And she's-- she's the cold. Her coldness can make your jaw drop. Not until sh...
