MEGAN'S POV
May isang bagay akong natutunan sa pagmamahal. Dapat marunong kang sumugal, ikamatay mo man. Dapat marunong kang tumupad, ikamatay mo man. Dahil ang isang pangako ay hindi matatapos sa bibig, kung tutuusin ay isang pagsubok lang ito para sa ating lahat. Ang pagkakaroon ng problema ay hindi pangmatagalan. May mga solusyon, hindi lamang natin pinapansin, hindi natin iniintindi. Kaya sa mga oras na ito, alam 'kong nalilito si Timi.
"Akala 'ko talaga noon patay ka na!" mga tanong agad ang sumalubong sa akin nang inimbitahan ko sina Jill, Piper, at Klare.
"Oo nga, bakit ba ganoon ang ipinarating ng Papa mo?" tanong ni Piper na may hawak ng burger. Punyeta, hindi pa rin nagbabago ang isang 'to!
"Ang creepy nga, eh," dagdag ni Jill at umakbay kay Piper.
"Tsss! Huwag nga kayo rito magpaka-PDA! Nakakadiri!" pansin ni Klare sa dalawa.
Biglang humagalpak ng tawa si Jemen at Janice.
"Aba't bitter ka pa din? Apat na taon na, Klare! Uso mag move on!" napakunot ang noo ko sa sinabi ni Nicole.
Tumaba ng kaunti si Nicole, but still she's pretty and sexy. Mga nag matured lang ang mga tao rito. Pero hindi nagbago!
"Bakit bitter?" lito 'kong tanong kay Gage.
Tumawa rin si Gage ng malakas dahilan para ngumuso si Klare at sumandal sa sofa.
"Naku! Iyang si Enriquez! In love sa kapatid mo!"
"Si Adam?" nanlalaki ang mga mata 'kong tanong. "Ba't 'di niyo sinabe? Tangna, dapat ninakaw 'ko 'yon pauwi rito." biro 'ko.
"Arghhh! Walanghiya kayo ha! Pinagtutulungan niyo ako!" sabi ni Klare at binato ako ng throw pillow. Tumama ito sa kamay ko dahil nasalo 'ko.
"Nice catch!" papuri ni Jill at ngumisi sa girlfriend na si Piper.
Sila na ni Piper. 3 years rin daw na nanligaw itong si Jill at seryoso talaga!
"Ikaw, Jemen? Janice? Kailan niyo balak magkaanak? Aba't kasal na kayo wala pa akong inaanak!" sabi ni Piper.
Nakaupo lang ako habang si Timi ayun, nakikinig lang rin sa usapan. Na-O-OP lang kami rito. Mas pipiliin 'kong mag usap kami sa kwarto kesa-- teka, sa kwarto? Punyeta!
"Mag hintay ka lang, Piper, ishoshoot 'ko 'tong si Janice." nakangising sabi ni Jemen.
BINABASA MO ANG
Hot Prince Meets Cold Princess (COMPLETED)
RomancePaano kung magtagpo ang mga mundo nila? Mainit ang mundong ginagalawan niya. Mainit na mga mata ang nagkakagusto sa kaniya. He's hot. His hotness can make your jaw drop. And she's-- she's the cold. Her coldness can make your jaw drop. Not until sh...
