Chapter 83

2.2K 56 4
                                    

MEGAN'S POV

"Please take off your seatbelts and pick your things, ma'am, sir, we're here in the Philippines."

Nang magising ay agad kong tinanggal ang akin seatbelt at kinuha ang maleta ko. I wore a 1D T-Shirt and ripped jeans with converse shoes. Natuto akong magsuot ng ganito dahil ito dapat ang matutunan ko. Ang pagsusuot ng mga ganitong sapatos.

"Excuse me, Miss, is this yours?" tanong ng isang lalaki. Napatingin ako sa bag na dala niya. Isa iyong bag na black, shoulder bag.

Umiling ako at kumunot ang noo ko. Bigla akong napalingon sa lalaking sumigaw.

"How did you get my bag?!" nanlaki agad ang aking mga mata, napahinto ako bigla.

Siya lang naman ang lalaking kumuha ng puso ko at biglaan akong itinulak palayo para tapusin ang mission ko.

Naging kulay brown and buhok niya, mas nag matured ang hitsura niya. Kung dati ay muhkang makulit, ngayon ay pormal. Pormal na pormal ang hitsura. Ang mga Montefiore ay hindi tulad namin, hindi tulad ng pamilya naming lumalaban ng harap-harapan. Dokumento ang labanan sakanilang pamilya, hindi digmaan.

"Oh, I'm sorry, mister, I thought this is hers..but, this is your bag, I found it-"

"Okay, thank you." pinutol ni Timi gamit ang malamig na boses.

Medyo na-offend iyong lalaking nagbalik ng bag niya. Yumuko ito at nagkamot ng ulo.

"I-I have to go." sabi ng lalaki saka iniwan kaming dalawa.

Nakatitig lamang ako sakaniya. Hindi ko man lang siya mabitiwan ng tingin. Miss na miss ko siya. Apat na taon kaming hindi nagkita. Grabeng pagtitiis ang pinagdaanan ko.

"Timi.." pumiyok ang aking boses kasabay ng pagtalikod niya. "Timi!"

"What, Megan?" malamig niyang tanong sa akin. Ang pagtawag niya sa akin ng Megan ay may kakaiba. Para bang stranger lang ako sa paningin niya.

Isang bagay na nakapagpakirot ng aking puso. May mahal na kaya siyang iba?

Hindi ako nakapagsalita. Sa halip ay nag init ang gilid ng mata ko.

"Look, Megan, I'm busy and I have to go." Sabi niya nang mahalatang wala akong masabi.

"But..." sabi ko ngunit nagpatuloy na siya sa paglalakad.

Tumulo bigla ang luha ko nang makitang may babaeng umangkla sa braso niya..and..

They kissed. So yeah...

It breaks my heart. Dammit!

Napaiwas lamang ako ng tingin nang nilingon ako ng babae. Tumalikod ako na parang walang nangyari at naglakad ng luhaan.

Ito ba yung sinasabi ni Papa na wala na akong babalikan? Bakit wala na akong babalikan? Kasal na kaya sila? May ana..shit! Hindi ko matuloy! Hindi ko maisip na may anak na siya!

"Megan?" biglang tawag sa akin ng nasa likod. Iyong babaeng hinalikan si Timi.

Masama ko siyang tinignan ngunit hindi niya iyon pinansin. Nagpakilala pa siya sa akin!

"My name is Lorraine." her eyes were very honest. Her voice is too sweet. Dammit. Ganito ba ang hanap ni Timi? Naka-labas ang cleavage? Damn! Damn! Tanga, Megan! Dapat naging ganito ka na noon pa! Taena!

Hindi ako nagsalita.

"By the way.." biglang putol ni Timi sa amin. "Where's Lily?"

"Oh! My daughter!" tawa ni Lorraine. Napaigtad naman ako bigla sa yumakap sa binti kong bata. Age between  3-5.

Argh. I hate children!

But wait... Her daughter? So..Timi's daughter? Si Timi ang..ang ama ng bata!?

"Ah.." sabi ko lang at nilalayo sa akin ang bata.

Kinarga ito ni Timi at tinignan ko silang tatlo. They look like a Happy Family.

Napalunok ako at halos magrambulan ang sistema ko sa galit.

"Pasensiya ka na kay Lily, ha? She likes you," nakangiting sabi ni Lorraine.

Well, I hate your child.

Hindi ko matanong kung anak ba nila iyon o hindi.

"Okay.." sabi ko nalang at tumalikod.

"Hey, Megan! Sumabay ka na kay Timi, sayang ang gas niya kasi isasama ko pa si Lily sa MOA!" sabi ni Lorraine. Kinuha niya si Lily sa kamay ni Timi.

Lorraine plus Timi equals Lily?!

Taena!!!!!!!!!  ANG SAKIT!

"Well, if it's okay with you.." sabi ko ng walang emosyon kay Timi at Lorraine.

"Hahaha! Mapagbiro itong si Megan! Of course, I don't mind! And it's fine, okay? Right, Timi?" nakangising sabi ni Lorraine.

May senyasang nagaganap ng hindi ko alam, ah?

"It's fine." sagot ni Timi. At umangat ng kaunti ang kaniyang gilid ng labi.

I miss those lips. Kaso may nagmamay-ari na. At hindi ako iyon..

"Oh! I told you! It's okay! Let's go, Lily!" Umalis sila at naiwanan kaming dalawa.

Nauna na siyang naglakad at sumunod ako.

He's cold hearted now...

To be continued

VOTES AND COMMENTS

Hot Prince Meets Cold Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon