Chapter 59

2.7K 71 2
                                        

TIMI'S POV



"Anong nangyari?" Agad kong tanong ng makabalik si Adam at Klare, Magkaklase kami sa sub ngayon, ang bilis. Sobrang bilis ng panahon, akalain nyo yun, mahal ko na siya! Oo! Si Megan, mahal ko na sya, yung Cold Princess na yun!

"Si Kevin.."

"Sinong Kevin?" Nag-iigting ang mga pangang sabi ko, boyfriend ba ni Megan yun? d>___<b oh, that girl! Making me insane!

"Chill, bro, he's an enemy of us." Malumanay na sabi ni Adam kaya't nakahinga ako ng maluwag.

Buti naman at hindi mo boyfriend yun, Megan, baka mawala ako sa sarili ko.

"Nabwibwiset ako don, sobra." Sabi ni Klare saka nagsalubong ang kilay. "Binusted ni Megan yun, tapos, kinick ni Megan sa grupo kaya nagrerebelde."

Tsk, bakit kasi ang ganda mo, Megan? Ang daming nagkakandarapa sayong babae ka. Nakakainis! Dami kong kaagaw sayo! Isa pa yung Yohan na yun!

"L*tse yun." Nakangiwing sabi ko, bigla namang pumasok si Megan at malumanay na umupo sa tabi ko.

*DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUGDUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG *

Pesteng puso 'to! Nagbarumbado nanaman!

Nakatingin lang ako sakaniya, hindi niya pala kaklase si Yohan sa Science sub? Buti naman, para masolo ko siya.

Bigla naman akong siniko ni Adam na katabi ko ngayon.

"Ikaw, ha. Confirmed na." Nakangising sabi niya saka pinalabas ang dimple niyang malalim!

"G*go." Nakangiwing sabi ko sakaniya, natawa naman siya ng mahina. Hindi napansin yun ni Klare at Megan. "Si Jill?" Tanong ko.

"Ewan ko, siguro nagcutting." Kibit-balikat na sabi niya. "Si Pips, umuwi."

"Bakit?" Tanong ko.

Kibit-balikat lang din ang sagot niya. Nakatitig lang ako sa katabi ko ngayon. Si Megan, dito ko lang naman siya pwedeng titigan kasi wala dito yung boyfriend niya, diba? Edi dapat i-enjoy ko to kasi wala pa si Yohan. Sana pala pinahalagahan ko na siya, noon pa. Para ngayon, kami pa rin. Kaso hindi eh, sila na ni Yohan, di ko na mababalik yung panahong ako pa yung mahal niya.

"Yan," napabalikwas ako at napaayos ng magsalita siya, hindi siya nakatingin at nakatuon ang mata sa prof. Ang kamay niya ay may binibigay saking picture. Kinuha ko yun at nanghina ako ng makita yun. Picture naming dalawa nung nasa EK kami. Masaya pa siya dito, at ako naman ay playboy. "Diyan mo nalang ako titigan, baka malusaw kasi ako ng titig mo." Nakangising sabi niya at sumandal ng upuan. Nanlaki ang mga mata ko at walang masabi. Ang lakas niyang makaramdam, napakamisteryosa. Walang pinagkaiba kay Adam, madalas mambara at ngumisi, misteryosa rin.

"A-Ako? W-wow ah! Y-Yabang mo!" Bakit ba ako nauutal?! Mahahalata ako nyan, eh! Bobo naman oh!

"Ah, hindi ba?" Inosenteng tanong niya at tumingin sakin! Sandaling tingin pero para akong malulusaw! Shit, malakas ang epekto niya sakin! "Kaya pala..., kaya pala nauutal ka." Tatango-tangong sabi niya saka ngumisi. Napaiwas ako ng tingin. Swear, If I die right now, I will die happily. Kinausap niya ako, natural na kausap. Walang halong galit o kung ano pa.

"M-Makinig ka nalang!" Pabulong ma hasik ko! Baka mahuli ako niyan!

"I will find out, Timi, just wait." May pagka-husky yung boses niya tulad ng akin. Mas malaki lang yung akin, sobrang sexy ng pagkakasabi niya nun. Kinilabutan ako nun, ah?

"A-Ano naman y-yun?" Nanginginig na sabi ko! Sa isang iglap ay nag bell! Ngumisi siya at lumapit sakin, sa tenga ko. At mayroong binulong.

"I will find out.., what is your feelings for me." Nakangising sabi niya saka umalis. Hindi ako makatayo sa kinauupuan ko. Malalaman nya na? Na mahal ko na siya? Tapos babawian niya ako sa pagiging g*go ko sakaniya? Tapos ano? Masasaktan ako? Naiwan akong tulala, naiwan akong parang tanga. Hindi ko alam, pero sa sampong salita na yun, kinilabutan ako. Parang may kuryenteng dumaloy sa pagkatao ko.

Is this the feeling of love? Ito na ba yung pakiramdam ng nagmamahal? Yung handa ka ng magsakripisyo para sa mahal mo?

To be continued

Sorry sa long no update. =)

VOTES AND COMMENTS

Hot Prince Meets Cold Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon