TIMI'S POV
"Baby?" Dinig kong sabi ni Jess. Lumingon naman ako sakanya.
"Bakit?"
"Why are you cold at me now? Hindi naman tayo gani-"
"Shut up, Jessica." Malamig na sabi 'ko. Bumakas sa muhka nya ang lungkot. Nalilito ako. Di ko alam, gusto 'kong manapak! Nagpalipat nga aki ng section, di naman mawala sa isip 'ko si Megan!
"Okay, class, we have a new student. Besides, matalino sila kaya sila na ang pumili ng kanilang section."
'Sila'?
Bumukas ang pinto, habang ako ay nagtataka sa nakita! Magkahawak kamay si Yohan at Megan! Naikuyom ko ang aking kamao sa inis.
Damn it, Timi!
"My name is Yohan Lee, and this is my girlfriend, Megan Elizalde." Pakilala pa ni Yohan!
"Hala? Sila na pala ni Idol!"
"Akala 'ko di pa nakakamove on si Megan!"
"Yah, ako din eh! Nakamove on na pala siya!"
Mga bulong sa tabi ko. Sinamaan 'ko sila ng tingin kaya natigil. Naiinis ako kapag naririnig na NAKAMOVE ON na siya.
"B-Baby.."
"Ano ba, Jessica?!" Inis na anas ko sakaniya.
"B-Bakit tayo ganito?"
"Anong ganito?"
"A-ang cold mo, Baby.. By.. A-ano ba nagawa 'ko?" Naguguluhang sabi niya pa. "Please tell me.., so I can understand you.."
"You love him, right? Still, right?" Nag-iigting ang mga pangang sabi ko.
"W-who?"
"Btch, don't act like you don't know." Matigas na sabi ko dito at napayuko siya. "So.., I'm right."
"T-Timi.."
"You're using me, to make him jealous?" Napalingon siya sa 'kin ng may nagluluhang mata. "Tell me!" Maingay ang mga kaklase namin kaya't hindi kami napapansin. Pero sina Megs at Yohan, nakakunot ang noong tinitignan kami.
"I-I'm s-sorry.."
"Sana hindi ka nalang bumalik!" Sigaw 'ko at tumayo palabas ng classroom. Hindi 'ko alam! Naiinis ako!
Manggagamit ka, Jessica. Isa kang manggagamit. Pero bakit di ako maapektuhan sa nangyari? Bakit mas apektado ako sa nakita 'ko kanina? Na magkahawak kamay sina Yohan at Megan..
**
MEGAN'S POV
"Sundan mo, bes." Sabi ni Yohan sakin na tinutulak ako palabas. Punyetang lalaki to. "Dali, bes! A-"
"Punyeta! Sandali!" Sigaw ko. Napatingin samin yung prof.
"Where are you going, Ms. Elizalde?"
"Iihi ako, sama ka?" Walang emosyong sabi ko, pero sa totoo lang, nag aalala ako kay Timi. Narinig ko lahat pinag usapan nila. Punyeta ka, Jessica. Pagsisisihan mo ginawa mo sa mahal 'ko, hayop ka. Walang ano-ano'y sinundan 'ko si Timi, aaminin kong mahirap sundan siya, dahil naka leather shoes ako, mabigat ito at matunog. Kaya't nakatingkayad ako kung maglakad. Punyeta muhka akong tanga. Nagpunta sya sa Garden, malapit sa Gymnasium. Nakayuko siya, problemado.
"WAH! May problema na nga, dumagdag ka pa!" Sigaw nya, at yumuko. Umupo sya sa damuhan.
Anong problema?
Nakatayo lang ako sa isang gilid, nagulat pa ako nang umiyak si Timi. Hindi ako sanay na may nakikitang umiiyak na lalaki. Lalo na kung si Timi pa yun. Ayoko. Nilabas ko ang panyo ko. Ay shet.
Timi babe yung tatak! Punyeta!
Nilapitan ko siya. Pero sa pagkakataong ito, hinayaan 'kong marinig nya ang tunog ng aking sapatos. Yapak ng aking paa ang tanging naririnig, nagtaas sya ng tingin pero hindi sya tumingin sa gawi ko. Nakapamulsa ako sa leather jacket ko. Aaminin ko, kinakabahan ako. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito! Parang nakikipagkarera ang aking puso habang palapit sakaniya! Hindi ko alam, pero ang gusto kong magawa ngayon? Ang mapatahan siya. Nang makalapit ako, agad nya akong tinanong.
"Bakit ka nandito?"
Sandaling katahimikan, bago ako sumagot.
"Maybe.., para patahanin ka." Walang emosyong sabi ko. Napalingon siya sa gawi ko. Ako naman ay nakatitig lang sakanya. Nagtitigan kami ng limang minuto pero umiwas sya ng tingin.
"'Di ako umiiyak!"
Napangiwi nalang ako sa pagsisinungaling nya.
"Wag mo 'kong ginag*go. Kanina pa kita pinanonood." Nakangiwing sabi ko.
"Eh, bakit mo 'ko sinundan at pinanood?" Nabubwisit nyang tanong. Ibinigay ko nalang yung panyo at saka umalis.
Batid kong nagulat sya sa nakasulat don. Pero wala akong pakelam.
Dahil doble ang sakit sakin, kapag nakikita kitang nasasaktan, Timi.
To be continued
VOTES AND COMMENTS
![](https://img.wattpad.com/cover/73453121-288-k87815.jpg)
BINABASA MO ANG
Hot Prince Meets Cold Princess (COMPLETED)
RomancePaano kung magtagpo ang mga mundo nila? Mainit ang mundong ginagalawan niya. Mainit na mga mata ang nagkakagusto sa kaniya. He's hot. His hotness can make your jaw drop. And she's-- she's the cold. Her coldness can make your jaw drop. Not until sh...