Epilogue

3.5K 83 22
                                    

Sa wakas, narating na natin ang pinahuling chapter ng istoryang ito!

-Jadeng

--
TIMI'S POV

Masaya ako, masayang masaya mula noong ikasal kami ni Megan. Para bang ako ang pinakamasayang tao sa mundo.

Sa lahat ng pinagdaanan namin, hindi kami bumitaw sa isa't isa. Nasaktan man namin ang isa't isa, nagawa pa rin naming ipaglaban ang pag-iibigan namin, nangako sa isa't isang hindi na muling bibitaw. Na hindi na muling iiwan ang isa. Dahil sabay na lalaban, kahit anong mangyari.

Aaminin 'kong nahirapan ako noong tinaboy ko siya para lang sa misyon niya. Iyon naman ang tama... Pero narealize kong hindi pala. Iyong tama pala ay ang ipaglaban siya tulad ng paglaban niya para sa akin. Sobrang tanga 'ko, pinakawalan ko siya noon! Pero ngayon, hindi na talaga ako papayag na may kumontra pa. Tulad ng ginawa niya, kahit sa pamilya, sa buong mundo, ipaglalaban ko rin siya.

At ngayong may anak na kami, kambal pa, hindi talaga ako papayag na may kumontra!

"Ahhhh! Timi Jakeeeeeeee!!" Sigaw ni Megan habang mahigpit na mahigpit ang hawak sa kamay 'ko, nanganganak siya and effin' swear! Kitang kita ko ang paghihirap niya. Shet.

"Oh, babe! Nandito lang ako! Oo aray! Shit! Oo nandito--aray!"

Ang sakit ng kalmot niya sa kamay ko pero alam kong mas masakit ang hirap niyang pinagdadaanan ngayon. Freaking shit, ganoon yata talaga kahirap manganak!

"Umiri ka lang, Misis, huwag nang magsalita..." Bulong ng Doctor.

"Aba, p*ta! Palit kaya tayo! Aaaaah!! Freaking shit!!" Napapaiyak na si Megan at nanghina siya nang marinig na ang iyak ng bata.

Babae.... Tamarah Mirza... Wait. Ano iyong naisip ko? Tamarah Mirza?

"Misis, Mister, may isa pa ho, iri ka na, misis," sabi ulit ng babaeng doktor.

Napahawak at napakalmot ulit sa akin si Megan, tuwang tuwa ako! Ang lusog ng anak ko... Tamarah Mirza..

"It's a boy! Congratulations! Kambal ang anak niyo..." Doctor said and smiled at us.

Inasikaso ng nurse ang mga anak ko at nakatulog naman agad si Megan, pagod siya sa panganganak, alam kong hindi madali iyon...

XxX

4 DAYS LATER.

Ngayon, binabantayan ko si Megan. Tinignan ko siya. Hindi pa rin nagbago kahit nanganak na, her white skin, her angelic face...(kahit na hindi pang angel ang ugali niya!)

Bigla namang bumukas ang pinto at si Piper ang niluwa non, kasama si Jill. Nasa likod naman nila sila Mommy, Daddy, Mama, and Papa (parents ni Megan) at agad na pumasok sa loob.

Hot Prince Meets Cold Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon