Chapter 87

2.4K 62 5
                                    

MEGAN'S POV

SAKIT ng ulo ang inabot ko pagkagising ko pa lamang. Ni-isa ay wala akong maalala kagabi. Dammit. Baka kung ano ano na ang sinabi ko kay Timi?

Sobrang sakit ng ulo ko nang tumayo. Nagpapasalamat ako sa sinag ng araw kaya't nadidilat ako sa pagtama nito sa aking mata. Nagpapasalamat ako sa pader na aking sinasandalan dahil sa hindi ko mabalanse ang aking katawan.

"Ay, taena," mura ko pa nang tumama sa pinto.

Bigla itong bumukas at lalo akong tumumba! Taenang pinto 'yan! Pag ako nakatayo rito, wawasakin ko 'yan!

Ngunit pagkadilat ko sa aking mata ay tumambad sa akin si Timi na may hawak na tray.

"Bakit ka tumayo?" malamig na sambit nito at hinawakan ang tray gamit ang isang kamay, inalalayan naman ako ng kaliwa niyang kamay upang makatayo.

Nakaramdam ako ng ka-awkward-an sa posisyon na iyon kaya't humiwalay ako. Ngunit bago makahiwalay sakaniya at hinila niya ako pabalik.

"Eh.."

"Huwag ka nalang mag reklamo, iinom-inom ka ng sobra, 'di mo naman pala kaya," sabi niya sabay lapat ng labi.

Sa posisyon namin na ganoon ay nabigyan ako ng pagkakataong tumitig sakaniya. Sandali pa ay gumalaw siya at dinala ako ulit sa kama.

"May sinabi ba ako kagabi?" tanong ko. Baka naman dahil doon ay kaya nagalit siya? O baka naman ininsulto ko ang asawa't anak niya? "May nasabi ba akong mali sa asawa at anak mo-"

"Ilang beses 'ko bang sasabihin sayo na hindi 'ko anak 'yon, Megan?" matigas sa wikang ingles nitong sabi. Nag-titiim bagang siya habang inilalapag ang tray sa kama. Nakatitig lamang ako sakaniya.

Nagkataong tumama ang aming mga mata nang magtanong ako.

"Bakit sobrang hawig kayo ni Lily?" nabasag ang boses ko sa pagkakataong ito. Nag iwas ako ng tingin bago pa tumulo ng tuluyan ang mga luha ko.

"Ako ang pinaglihian ni Lorraine kay Lily, kaya may pagkakahawig kami, mas maraming nakuha si Lily sakaniyang amang pagkalabas niya ay iniwan siya agad," nabwi-bwiset nitong sabi. Iritadong iritado na siya sa akin.

Naging moody siya sa apat na taon, kung ganoon. Alam kong hindi madali ang naging pasya ko sa pag iwan sakaniya. Ngunit iyon ang hiniling niya. Sinunod ko naman.

"Ibig sabihin ay ikaw ang nag alaga sakanilang mag ina?" hindi ko maiwasang mag tanong ng mag tanong. Tila sa sobrang pagkamiss sa presensya niya ay hindi na matigil ang aking bibig.

"Tsk. Ano ba sa tingin mo?"

Natikom lamang ang bibig ko sa sinabi niyang iyon. Naiirita siya sa mga tanong 'ko, sigurado 'yon! Alam  kong ayaw niya ang mga usapang ito.

"Kumain ka na ba?" tanong ko at hindi pa rin ginalaw ang pagkain.

"Hindi pa. Kumain ka na diyan," sabi niya sabay tayo.

Bago pa makaalis ay hinila ko ang kamay niya.

"Tara..hmm.. Sabay tayo..?" pahina ng pahina ang aking bulong.

AGAD na nagwindang ang aking puso nang tumango siya at umalis muna ng kwarto upang kunin ang pagkain.

Malakas ang tibok ng puso ko, tila walang hinto. Nakakapagtaka lang na sa loob ng apat na taon ay ngayon lang ito tumibok ulit ng ganito. Nahihibang na yata ako! Si Timi ang may epekto nito!

"Bakit hindi ka pa kumain? Talagang hinihintay mo 'ko?" kunot-noong tanong ni Timi sa akin at may dala na siyang isa pang tray.

Tumango ako at kinagat ang pang-ibabang labi.

"Oo."

"Tara, kain na."

"Hindi ka man lang ba magkukwento tungkol sa sarili mo? Sa apat na taon na iyon, hindi mo man lang ba ako naalala?" sabi ko nang may hinanakit sa boses. Nababasag at nanginginig ang boses ko habang binabanggit iyon.

"Kahit papaano ay naalala kita, naiisip ko kung may asawa ka na doon. Hindi 'ko rin maiwasang isipin na may iba ka na." sabi niya sabay subo sa pagkain.

Sumubo rin ako ng isang beses ngunit kahit anong sarap ng pagkain ay hindi ko malunok ng maayos sa sinabi niya. Nagwiwindang at malakas ang puso ko. Lumalabas ang saya sa aking muhka.

"I miss you, Timi..." may lungkot sa tinig na sabi ko.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Kahit emosyon ay wala. Pumungay at natutunaw ako sa kaniyang mga mata.

"I'm half a heart without you..."maramdaming sabi ko habang tinitignan siya.

"Hmm.." nabigo ang aking puso sa reaksyon niya.

Hindi man lang nagbago ang kaniyang ekpresyon. Ganoon pa din. Nakaupo, kumakain at walang pake sa aking sinasabi.

"Kaya ka ba naging cold?" tanong ko at hinuhuli ang tingin niya.

"Why? What do you expect to me? To be a playboy again? Megan, ano bang gusto mong datnan? Iyong Timi na dating walang ginawa kung hindi mag paiyak ng babae o Timi ngayon na cold at walang pake?"

Wala akong masagot. Sa tanong na iyon, tila naurong ang dila ko. Damang-dama ko ang hirap na dinanas niya habang wala ako. Kaya ganito siya siguro. Naiintindihan ko....

To be continued

VOTES AND COMMENTS

Hot Prince Meets Cold Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon