Chapter 95

2.8K 60 8
                                        

MEGAN'S POV

"SAAN na sila?" Tanong ko kay Ella, hindi ako mapakaling hindi nakikita si Timi. Nabu-bwiset ako kapag ibang muhka lang ng lalaki ang nakikita ko.

Humalakhak at tumawa ng malakas si Ella sa akin, bahagyang gumalaw ang tiyan niyang may umbok. Walanghiyang babae ito, nagagawa lang magloko habang buntis!

"On the way na daw, mag chill ka lang, Megan, parang ilang taon kayong hindi nagkita ng magiging asawa mo!" sigaw nito.

Umirap nalang ako at ininom ang wine na kanina pa sa tapat 'ko. Ayaw 'ko sanang uminom dahil maaamoy ni Timi na amoy alak ako. Eh, pupunta rin naman siya rito kaya iinom nalang ako.

"Oo nga! Pero nung isang araw, napaka-PDA sa Garden!" Bitter na bitter na sabi ni Klare sa kabilang upuan.

Kinuha 'ko ang kutsilyo at tumusok ng pulutan. Kumain ako at pagkatapos kainin iyon ay ngumisi ako. Sumandal ako sa malambot na sofa.

"Parang gusto mong asintahin kita diyan?" Taas-kilay 'kong sabi habang nakangisi.

Napamaang naman si Klare at agad akong tinuro, inilagay niya ang siko niya sa likod ng sofa at saka tinuro ako lalo.

"Hindi lahat ng sinasabi 'ko, para sa 'yo! Bakit? Kayo lang ba ang PDA ni Timi kahapon sa Garden?" Taas-noong tanong niya.

Umangat ang gilid ng labi 'ko. Ilang tawa ang narinig ko kay Piper dito sa gilid ko at hagalpak ang tawa ni Garette sa tabi ni Klare habang si Ella ay iyon, nilalantakan ang mga pagkaing nakahain sa harap ko.

"Kung ganoon ay mayroon pang iba? Hanep naman talaga ang iyong talas ng mata, ano?" Sarkastikong sabi 'ko saka ibinaba ang kutsilyo.

Umirap siya at uminom nalang rin ng wine. Ang lakas mag emote ng babaeng ito, wala lang mahanap na pamalit sa kapatid 'ko.

"Huwag kang mag-alala, ang sabi sa akin ni Blake ay napakatorpe lang ni Adam!" Hagalpak pa rin ang tawa ni Margarette habang sinasabi iyon.

Napangisi ako lalo. Aba't iba rin ang istorya ng dalawa, nagpakatorpe ang kapatid ko dahil takot na mabusted ng kaibigan ko habang kaibigan ko ay ayaw umamin sa nararamdaman niya dahil takot na layuan ng kapatid ko. Perfect. Nung umulan yata ng katorpehan, sina Klare at Adam lang ang gising. Tss.

"Nung umulan ng katorpehan, kayo lang ang gising ni Adam," sabi ko, nang aasar.

Hot Prince Meets Cold Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon