Chapter 42

2.7K 72 0
                                        

KLARE'S POV




"W-what?" Naluluhang sabi ni Pips nang masabi ko yon. Maging ang mga mata ko ay taksil, naiiyak rin. Napadukdok ako sa mesa ng kwarto niya, problemado. "Diba naoperahan na siya..diba! Pero bakit bumalik?!" Nangingibot ang mga labing sabi niya, maging ako ay napapaiwas ng tingin at napapaluha sa nangyayari, hindi ko alam kung bakit nangyayari to ngayon.





"Doctor told us, Piper.. Posibleng bumalik yun, nabahala lang tayo..." Iwas ang tinging sabi ko, tama naman eh. Nabahala kami at masyadong nagpakasaya kaya't hindi nakapag pa check up pang muli. Kahit ako, ay hindi inaasahan ang mangyayari sa ngayon.







"I-I..can't believe this..," umiiyak na sabi niya, napaupo siya sa kama. Ako naman ay napahilamos ng muhka, naiinis. Naiinis ako sa mga nangyayari ngayon! "M-may isa pang problema..," napalingon ako nang sabihin niya, mabilis na lingon! "I think I'm in love with Jill." Nag iiwas ang tinging sabi niya. Nagtaka ako, pero patuloy pa rin ang pagtulo ng luha, talagang nauuna niya pang mamroblema ng love life. Tsk, yan si Piper, eh. "You know.., he loves Ella." Owww!






"Di ako na-inform." Nakangiwing sabi ko, "He is in love with that fvcking girl? Hahaha!" Peke akong tumawa, "he is a kind of idiot." Nakasimangot na sabi ko.






"Don't call him idiot!"






"See?" Napaiwas na sya ng tingin. "You are in love with Jill Revamonte, like a sh*t. And you shouted at me, just to protect him." Nakangising sabi ko, lalo syang napaiwas ng tingin. "Sasabihin mo ba?"






"I-I.." Pambibitin niya, "no. I will not." Nanlaki ang mga mata ko!





"Torpe ka na ngayon, Piper?" Nanlalaking ang mga matang sabi ko.




"Di pa naman sure, eh..." Nakayukong sabi niya.





"Bukas nalang tayo mag usap, byeee." Sabi ko at umalis na ng kwarto na yon.




Agad akong pumunta ng kwarto pero nando'n si Adam at nakahiga!





"Do'n ka sa Guestroom!" Agad kong protesta.





"Mas malamig dito." Nakangiting sabi niya at tumataas ang dalawang kilay, saka ngumingisi.






"Ano naman?" Nakataas ang isang kilay na sabi ko.





"Gusto mo painitin natin-- ARAY!!!" Sigaw nya ng batuhin ko ng bote! Boteng may mga piso! Hahaha!



Ngayon niya talagang naisipan mag biro, kung kailan may problema?





"Ngayon ka talaga nagbiro, kung kailan may problema?" Nakasimangot na sabi ko.




"Kaya nga biro, eh. Sorry na." Dumiretso ako sa banyo, "ayaw lang kitang nakikitang malungkot."






"Ano sabe mo?!" Di ko kasi narinig. Bingi naba ko? O sadyang mahina lang pagkakasabi niya nun?





"Luh?! Wala akong sinasabe! Imbento ka na naman." Iwas ang tingin sabi niya. Ah, siguro nga, wala. Tsk.




"Ge." Pagkatapos mag toothbrush, agad akong lumabas. Wala na si Adam, malamang ay nasa guestroom na yun.


Natulog agad ako..




**

MEGAN'S POV




"Ahh, miss, san pwede mag aral ng fourth year high school?" Tanong ko dito sa ka co-waitress ko sa cafe. Oo, nag pa-part time job ako.




"Sabi 'ko naman sa 'yo, just call me Jane." Nakangiting sabi niya, tumango ako. "Dyan sa may harap, public nga lang."





"Ok na din yun, sige, salamat." Sabi ko, gabi na din. "Una na ako, Jane."





"Ge, OT ako ngayon, eh. Ingat." Sabi niya tapos umalis na ako gamit yung motor ko.




Pagkadating ko sa bahay, kumain ako ng noodles. Dalawang araw na din pala nung umalis ako. Di rin ako nakapag paalam ng maayos kina Mr. And Mrs. Montefiore at kay Timi. Yaan mo na, wala namang pake si Timi. Kailangan ko pa palang uminom ng gamot. Tch.


Uminom ako ng gamot pagkatapos kumain, ilan nalang ba to? Lima nalang.. Shit, kailangan ko pa ng madami nito.

Magkano nalang ba yung natitira kong pera?

Shit na malagkit.



500 nalang.. Kakasya pa kaya to? Bahala na..

Hindi nalang muna ako uminom ng gamot. Bukas nalang.




Natulog agad ako matapos maligo..




Kakayanin ko to.



To be continued


VOTES AND COMMENTS

Hot Prince Meets Cold Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon