Chapter 85

2.4K 71 11
                                        

Ang raming nagtataka kung bakit si Megan lagi ang nasasaktan! Aw! Hahahaha, sorry na po!

~Jadeng

--

MEGAN'S POV

Hindi 'ko alam ang gagawin ko sa pamamahay na ito. Wala akong plano at biglaan ang pag alis ko sa London. Apat na taon akong nagtiis roon. Naghintay ng tyempong makauwi ng Pilipinas at makasama si Timi pero iba palang pamilya ang dadatnan 'ko.

Nakayuko ako at tahimik na tumutulo ang luha 'ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Timi... Lorraine... Lily... Dammit! Isama mo pa ang pagtakas ko sa pagiging MAEC! Punyeta!

"Megan.." napalingon ako sa pinto. Naroon si Mrs. and Mr. Montefiore. Nakatingin sila sa akin, may halong pagtataka at gulat sa kanilang mga mata.

"Tito.. Tita.." kumibot ang labi ko. Lalong rumami ang luhang lumandas sa muhka ko. "Tita.."

Tumakbo si Tita papunta sa akin at diretso akong niyakap. Sa yakap na iyon ay parang niyayakap ko ang ina ko. I felt comfortable.

"Shh, Megan.. Shh... Hindi namin alam ang totoo kaya't napaniwala kami ng iyong ama.. Ayaw rin ng iyong ama na magsalita si Blake o kahit sino sainyong pamilya, malaki ang takot ng pamilya mo sa Papa mo.. Lalo na sa Lolo mo." nanginginig ang boses ni Tita habang niyayakap ako. Alam 'kong sa panginginig na iyon ay umiiyak na rin siya tulad ko.

Lumingon ako kay Tito.

"I'm sorry, Megan," malungkot na sabi nito sa akin.

Tumango lamang ako. "Ang sakit.. Iba na pala ang Timi'ng dadatnan 'ko ngayon, Tita, Tito, ang sakit sakit.." napahagulgol ako sa balikat ng ina ni Timi.

Malungkot na tumitig si Tito sa akin. So totoo nga? Kasal na si Timi? Ay pucha, Megan! Ang dami ng ebidensya, hindi mo pa ba paniniwalaan?! Ganoon ka ba katanga? Taena!

"Maalis rin 'yang sakit.. Believe me.." bulong ni Tita at hinagod ang likod ko.

We stayed like that just for a minute. Ako na mismo ang umalis at kumalas sa yakap.

"May pupuntahan lang po ako."

"Saan? Bakit? Hindi ka ba hahanapin ni Timi?" gulat na tanong ni Tita.

"Baka naman busy si Timi?" naasiwang tanong ni Tito.

Nag iwas ako ng tingin. Opo, busy ang anak niyo sa asawa't anak niya.

Hot Prince Meets Cold Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon