MEGAN'S POV
Iyong pag-ibig 'ko kay Timi, walang hanggang. Tiyak 'ko iyon. Kahit anong gawin ng ibang tao, hindi iyon magbabago.
"This will make her stunning!" sigaw ni Piper kay Margarette.
Si Garette pala ang sumunod sa akin dito sa Pinas. Bawat galaw 'ko, alam niya. Kaya nalaman ng LaiTaReh kung nasaan ako.
"No! This one will do!" sabi naman ni Margarette at tinaas ang isang gown na see through ang long sleeve at-- fvck, hindi 'ko maintindihan ang gown na iyon!
"Tumahimik nga kayo! Kakarating 'ko lang!" sigaw ni Klare mula sa pinto.
May dala siyang paper bag. Nilabas niya agad ang laman nun at nakita 'ko ang make-ups na dala niya. Avon, Matt, Kylie cosmetics. Tsssss. I don't even know their names!
"Matagal pa iyong kasal, there's one week for it, right?" sabi ko ng nakangiwi.
"Mas okay na iyong sigurado! Kung gusto mo, roon ka nalang muna sa labas!" sabi ni Klare at nagsimulang pumili ng kung ano-ano pang gamit para sa kasal ko.
At ako pa ang palalabasin? The fvck?
"Hoy, Klare! Bilisan mo riyan at dito ka maghanap ng designs! Asan ba si Janice nang maasikaso 'to?" sigaw ni Piper.
Napailing ako at bago lumabas ay nakasalubong ko si Janice na ang daming dalang papel. Bet, designs iyon!
"Oh! I'm so sorry! I'm late! Pero ito na ang designs, what do you think?" sabi niya sa tatlong babae at hindi man lang ako napansin na palabas kaya nabunggo ako at natapon ang papel niya. "Gosh! Oh! Sorry!"
"Huwag ka ngang magmadali, baka mamaya buntis ka at makunan ka pa, e," sabi ko ng may iritasyon at umirap.
"Hindi pa naman! Grabe ito!" natatawang sabi ni Janice sa akin at pinulot ang mga papel at saka dumiretso sa loob.
Now. They're busy because of my wedding.
"Asan ang LaiTaReh?" tanong 'ko kay Adam.
"Ewan 'ko, bakit ba ako tinatanong mo?" sabi niya at inirapan ako.
"Nagkita na kayo ni Klare?"
"Pake 'ko roon?" kunyaring naiinis pa, pero nung tumalikod ako, akala niya paalis na ako. Ngumiti pa ang pucha!
BINABASA MO ANG
Hot Prince Meets Cold Princess (COMPLETED)
RomancePaano kung magtagpo ang mga mundo nila? Mainit ang mundong ginagalawan niya. Mainit na mga mata ang nagkakagusto sa kaniya. He's hot. His hotness can make your jaw drop. And she's-- she's the cold. Her coldness can make your jaw drop. Not until sh...
