Chapter 88

2.4K 60 7
                                        

MEGAN'S POV


"May nag hahanap sa iyo," sabi ni Timi habang tinitignan ang nasa bintana. "Muhkang alagad ng iyong ama."

"Anong hitsura?" tumayo ako.

Nakakamangha mang sabihin, nagagawa niyang kumalma sa gitna ng ganitong sitwasyon. Talagang nag matured ang isip niya, naging matured ang pag kilos niya. Ibang-iba sa dating Timi.

"Maligo ka na muna at ako ang haharap, bilisan mo," nag iigting ang panga niyang sabi. Alam 'kong gusto niya akong protektahan, gusto niyang iparamdam na hindi ako nag iisa. Alam kong kahit may galit siya sa akin ay hindi niya ako bibitawan.

PAGKATAPOS 'kong maligo ay agad akong nagbihis. Alam 'kong atat na atat na ang alagad ng aking ama na makita ako at mahuli. Dalawang araw palang ang nakakalipas ay ipinahahanap niya na agad ako. Ganoon ba sila kauhaw sa MAEC? What the hell...

Kinuha ko ang baril ko sa maleta. Isiningit ko iyon sa bulsa ng aking tokong. Simpleng itim na T-shirt lang ang sinuot, sa palagay ko ay marurumihan ito kaya't hindi ako nagputi. Tumutulo pa mula sa hibla ng buhok ko ang mga tubig.

Gulat na muhka ang bumalandra sa akin. Muhka nina Jemen, Janice, Gage, at Nicole kasama ang alagad ni Papa na nakatutok ang baril kay Timi.

"Ibaba niyo 'yan ngayon din, kung ayaw ninyong may dumapa at lumuhod sainyo." malamig na sambit ko.

Ngumisi ang lima. "Ibababa namin itong mga baril pagkatapos naming pasabugin ang ulo nitong mga mahal mo," sabi ng isa at itinutok talaga naman sa ulo ni Timi iyon!

Naalarma ako at biglang may pumasok na tatlong matatanda.

Ang LaiTaReh. Ang tatlong matatandang tagapagbatas at tagapaglitis.

"Nagagalak 'kong makilala ang iyong mga kaibigan, Megan," nakangiting sabi ni Lai.

Siya si Lai, ang tagapagbati, she promotes peace. Alam 'kong siya ang makakatulong sa akin sa tatlong ito.

"Nababatid 'kong ika'y gulat sa aming pag dating, MAEC." nakangising sabi ni Ta.

Si Ta, ang pinakamasungit na tagapagtingin kung dapat pa bang buhayin o patayin ang isang MAEC sa nagawang kasalanan nito.

"It's nice to see you again, Megan, kakaiba ka pa rin gumalaw tulad ng iyong ama," si Reh. Ang ina ng aking Lola. Apo niya sa tuhod si Papa.

Si Reh ay isang mapaglarong tagapag-isip ng mangyayari. Hindi 'ko alam kung manghuhula siya peri sa tatlo ay siya ang nasusunod.

"Anong kailangan ninyo sa akin? Hindi pa ba sapat ang naglingkod ako ng apat na taon sainyo?" nag-iigting ang pangang sabi ko. Bumaling ako sa alagad. "Itong mga ito? Bakit nandito ito? Hindi pa ba malinaw na kaya ako umalis ay gusto 'ko ring maging masaya?" iniingatan ko ang magiging salita ko sa tatlo.

Hot Prince Meets Cold Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon