Chapter 73

3K 76 3
                                        

MEGAN'S POV

"Megan!" nakarinig ako ng sigaw habang nasa kwarto.

Masaya kaming nag swimming kanina and I want more but..ayokong masira ang kutis ko. I am afraid of starfish. Nandidiri ako kapag nakakakita ako non, kanina lang ay nakakita ako kaya umalis ako doon agad. Timi asked me if I'm okay, I said yes. Baka kapag sinabi kong hindi dahil takot ako sa starfish ay lalo akong takutin.

Blake is half running. Naka- board shorts at simpleng yellow sando lang siya. At kitang kita ko ang muhka niya gamit ang nag-aalalang muhka. Kasunod niya si Adam kasama si Klare.

"Hey.. What's wrong?!" Alala 'kong tanong.

"Timi got shot!" nang marinig ko iyon galing kay Klare ay agad na nag init ang ulo ko.

"Kevin. Si Kevin- ATE MEGAN!"

Bago pa man matapos ni Adam ang sasabihin ay agad akong lumabas. Ang dami ng taong nagpapanic! Sumunod sa akin si Blake, nakita ko si Margarette na may hawak na baril. May nakatutok rin sakaniya at kay Nicole! Fvck it!

"Nicole!" Sigaw ni Gage na walang humpay sa pag iyak.

Bumunot ako ng baril at nagtago sa isang puno. I saw Timi!

Agad 'ko siyang nilapitan ng palihim. "Babe.. Babe, listen to me. Saan ka tinamaan?" nag-aalala kong tanong.

"Sa.. Sa paa kaya hindi a-ako makalakad ng maayos.. Si Kevin, babe.. Gusto ka niyang isama.. Huwag mo akong iwan.. Babe.." Bumuhos ang luha ko nang magmakaawa siya.

"Magkakapatayan muna kami," matigas kong sabi at inalalayan siya papunta kay Jill at Piper.

Matagong lugar ko dinala sina Janice, Klare, at ang mga bisitang hindi ko kakilala.

"Babe.. Please.. Huwag mo akong iwan.. M-Mahal na mahal kita.." Kumikibot ang labi ko habang pinanonood si Timi na nagmamakaawa.

"Hindi kita iiwan,"

"Mangako ka sakin na babalik kang buhay," natigilan ako.

"Babe.." tanging sambit ko. "Pipilitin 'kong mabuhay..para sa 'yo.."

"Mangako ka, Megan!"

Napapikit ako ng mariin.

"Hindi ako mangangako, Timi, basta tandaan mong mahal na mahal kita." Hinalikan 'ko siya bago umalis.

Pipilitin 'ko, Timi, ikakasal pa ako sayo.

Lumabas ako at agad pinagbabaril ang mga tauhan ni Kevin. Nakikipag barilan din si Jemen, kasama si Blake. Si Adam ay ganoon din. Pawis na pawis na si Margarette at naubusan ng bala.

Hot Prince Meets Cold Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon