1st Fall

567 26 3
                                    

Broken

Hindi ko matanggap ang narinig ko mula kay daddy. Hindi na ako nakapagsalita pa nang malaman ko iyon. Natulala ako. Hindi ako nakakibo.

Pagka-uwi ko sa bahay ay dumiretso lang ako sa kwarto kahit na ilang beses akong tinanong ng aking ina't kapatid kung saan ako nanggaling. Hindi ko sila kayang kausapin. Baka madulas pa ako at malaman nilang nakausap ko si daddy. At hindi nila dapat malaman na alam ko na ang totoo. Lalo na ang kapatid ko. Masasaktan siya. Hindi niya matatanggap tulad ko.

Nang mga sumunod na araw ay hindi ko na kinibo si mommy. Umiiwas na ako. Pansin iyon ng kapatid ko pero nanatili lang siyang walang kibo.

"Fall..." Nagulat ako nang tawagin ako ng aking kapatid. Sobrang tahimik sa buong bahay at ang salita niya lamang ang bumasag dito. Wala sa sarili ko siyang nilingon. Bakas sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala.

"Are you okay? Ilang araw ka nang tahimik."

"I'm fine, Forest. Don't mind me." Binaling ko na lang muli ang aking tingin sa librong aking binabasa. Nasa sala kaming pareho at kami lang dalawa ang nandito. Hindi ko alam kung saan nagtungo si mommy pero maigi na rin iyong wala siya dito. Hindi ko maaalala ang mga sinabi sa akin ni daddy.

Narinig ko ang pagbaba ni Forest sa kanyang gitara at ang yabag niya papunta sa kinauupuan ko. Maya-maya'y naramdaman kong tumabi siya sa akin. Tiningnan ko siya nang nakataas ang kilay at nagulat ako nang ilapat niya ang kanyang kamay sa aking noo.

"Wala ka namang lagnat. Pero mukha kang may sakit. Is there something bothering you? O dahil pa rin ito sa pag-alis ni daddy?" Magkatitigan kaming dalawa. I can also see the sadness in his eyes. Kahit naman ang close ni Forest ay si mommy, hindi rin maitatanggi na malapit din ang loob niya kay daddy. Nasasaktan din siya sa lagay ng mga magulang namin gaya ko. Pero siya itong nakababata kong kapatid pero siya pa ang nag-aalala sa akin. Tipid akong ngumiti.

"You can tell me everything, ate. I promise I'll listen." He sincerely said. Nilapag ko sa gilid ang librong binabasa ko at niyakap siya. Isa ito sa minsang pangyayari sa buhay naming magkapatid. Ang tawagin niya akong ate hindi dahil iyon ang gustong itawag niya sa akin nina mommy. Tinatawag niya lang naman ako ng ganoon kapag malungkot siya at may kailangan. And it breaks my heart that eventhough he cares for me, he still need an ate to care for him too.

"You don't need to listen to anything, Forester. Alam kong pareho lang naman tayo ng nararamdaman. Let's just stay like this for a while. I missed you, dear brother." Pinanggigilan ko ang ulo niya at mahigpit pa itong niyakap. Unti-unti kong naramdaman ang kamay niyang niyakap na rin ako. Doon ko lang napansin na umiiyak na pala ako.

Naupo ako sa isang malayong bench habang pinagmamasdan ang kapaligiran. Isinugod kanina sa ospital si mommy at hindi namin alam magkapatid kung bakit. Pareho kaming wala kanina sa bahay at ang kaibigan lamang ni mommy ang nagdala sa kanya.

Forest is inside the hospital while waiting for mom to be awake. Nagbabantay rin ako kanina ngunit lumabas para lumanghap ng sariwang hangin. Ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi pa man ako nakalilimot sa paghihiwalay ng magulang ko, may panibago na naman. May sakit si mommy. Hindi pa man namin alam kung ano pero nakakabahala. Hindi man lang namin alam na may sakit na pala siya.

Tumingala ako. Pinipigilan ang luha ko sa pagtulo. Pagod na akong umiyak. Ayoko na.

Umihip ang malakas na hangin kasabay nang pagtabon ng aking buhok sa aking mukha.

Babalik ako ng Pilipinas matapos lang ang summer na ito. I will continue my life there. I will forget my problems and leave it here.

"Are you okay?" Hinawi ko ang aking buhok sa aking mukha at tiningnan ang lalaking nasa aking harapan. I saw his worried expression. I saw it in his eyes.

Fall (In Luv Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon