14th Fall

189 17 0
                                    

Well

Kagaya ng pinlano ko'y maaga akong gumising para maghanda ng almusal bago magtungo sa likod ng mall para sa morning exercise. Suot ang leggings, fitted white shirt at kulay grey na rubber shoes ay handa na ako. Huli kong kinuha ang bottled water na dadalhin ko maging ang aking cellphone at earphones. Habang pababa sa elevator ay pinatugtog ko na ang music.

Wala na kong naging pakialam sa mga nakakasalubong ko simula nang magsimula ang music. Paglabas ng condo'y dumiretso ako sa gilid ng mall upang doon dumaan patungo sa likod. Unti-unti ko na ring ginawa ang stretching habang naglalakad.

Nang marating ko na ang lugar ay 'tsaka ako nagsimulang tumakbo. Hile-hilerang matatayog na puno ang makikita sa aking pagtakbo. Bihira ang mga sasakyan dito at tanging bisekleta at motorsiklo ang dumadaan kaya ligtas ang mga ganitong gawain sa lugar na ito. Diretso lang ang takbo ko. May mga nakakasalubong at nakakasabay akong tumatakbo habang iba'y nilalakad ang kanilang aso. Nilakasan ko na lang ang music upang tuluyan nang mawala ang atensyon ko sa paligid.

Ilang ikot din ang ginawa ko bago tumigil nang mapagod. Sinilip ko ang oras sa saking cellphone at sakto lang pala para makapaghanda na ako sa pagpasok.

Tinanggal ko na ang earphones sa aking tenga tsaka ininom ang tubig na dala ko. Humanap muna ako ng mauupuan at doon naupo sandali para magpahinga. Malayo ang tingin ko habang malalim ang aking paghinga nang matanaw ko ang pamilyar na tao na kumakaway sa akin, malawak ang ngiti at nakabisikletang patungo sa kinaluluguran ko.

Napamura ako. Ano na namang ginagawa ng lalaking ito sa harapan ko?

"Good morning, Fall!" Sigaw niya. Nilingon ko ang paligid at nakitang napalingon sa kanya ang ibang joggers.

Bumaba siya sa kanyang bike at isinandal ito sa isang puno. Iniwan niya ito roon at lumapit sa kinalulugaran ko. Ngiting-ngiti siyang umupo sa tabi ko.

“Sinusundan mo ba ako?” Akusa ko. Isang mapaglarong ngiti ang binigay niya.

“You’re full of yourself. Hindi ba pwedeng nagkataong nasa iisang lugar tayo?” Natahimik ako sa sinabi niya. Matatalim na tingin ang pinukol ko dahilan para humalakhak siya.

“Hindi talaga kita sinundan. Baka nga ikaw ‘tong sumunod sa akin. Wala pang gising kanina nang umalis ako.”  Dagdag pa niya. Umikot sa kawalan ang mga mata ko.

Sa inis ay mabilis na akong tumayo at naglakad palayo sa kanya. Isang malakas na halakhak na naman ang narinig ko sa kanya dahilan para lalo akong mainis. Binilisan ko ang aking lakad nang tawagin niya ako.

“Fall, sandali lang!” Mas lumapit pa ang kanyang boses. Maya-maya’y nakita ko na siya sa aking gilid. Nakasakay sa kanyang bisikleta habang sinusundan ako.

“Pwede bang ‘wag ka nang sumunod?” Pagtataray ko. Palihim kong pinunasan ang tumulong pawis sa gilid ng aking mukha.

“Bakit? Sa iisang bahay lang naman tayo pupunta a?” Sa sinabi niya’y napatingin ako sa paligid namin. Takot na baka may nakarinig na kung sinong nakakikilala sa akin man o sa kanya. Mabuti na lang at walang gaanong tao sa kung nasaan man kami ngayon. Isang matalim na tingin ang binigay ko sa kanya kasabay ng isang hampas sa braso.

“Mag-ingat ka nga sa mga sinasabi mo! Mamaya may makarinig sa’yo e!”

“O? Ano na namang nagawa ko?” Nagtatakang sabi niya.

“Hindi mo alam? ‘Diba sabi ko sa’yo wala dapat makaalam na nasa iisang bahay tayo?” Mahina ngunit may diin na banggit ko sa huling mga salita. A smile crept on his lips.

“Ahhh... Natatakot kang baka may makaalam na nasa iisang—“ Bago pa man niya iyon matapos ay tinakpan ko na ang kanyang bibig. Pero dahil sa ginawa ko, muntik na siyang mawalan ng balanse sa kanyang bisikleta. Sa takot na matumba siya, napahawak ang kanyang kamay sa aking beywang habang ang aking kamay nama’y nasa kanyang balikat. Nagsalubong ang mga mata namin.

Fall (In Luv Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon