Baby
Walang luhang bumagsak, walang bakas ng sakit sa aking mukha. Pero kahit napakalma ko ang kaninang nagwawala kong puso, dama ko pa rin ang sakit doon.
Tinawagan ako ng aking manager kanina kaya napilitan akong lumabas ng wash room. At upang magkaroon ng silbi ang pagpasok ko sa loob, naghilamos na rin ako upang magising ako sa katotohanan.
Akala ko yata'y nasa panaginip pa rin ako kung saan pwede kong takasan ang realidad. Masyado yata akong nalibang sa naging pagtakas kaya akala ko'y nandoon pa rin ako.
Diretso ang naging lakad ko palabas na kahit nakasalubong ko ang ilang members ng Boy In Luv ay nilagpasan ko lang. Nang makita ang van na dala ng aking manager ay diretso ang pagpasok ko roon at balibag na sinara ang pinto. Nakataas ang kilay na nilingon ako ni kuya Paul.
"What's with the face?" Seryosong tanong niya.
"Wala." Iritableng sagot ko.
Nagkibit balikat lamang siya bilang sagot.
"Your next schedule will be on thursday. Napasa mo na ba lahat ng requirements mo for graduation?" Saglit akong natigilan sa tanong niya. Nang mapagtanto iyon ay mabilis akong umiling.
"For real? Nagawa mong mawala ng halos isang linggo tapos 'di mo pa pala naasikaso?"
"Sorry. Aasikasuhin ko na ngayon." Hindi ko na alam kung anong naging reaksyon niya dahil agad ko nang kinuha ang aking cellphone at tinext si Micah kung nasa school ba siya ngayon. Mabuti na lang at mabilis siyang nagreply at sinabing pwede naman siyang pumasok.
Dumiretso kami ni kuya Paul sa aking school at doon ay iniwan niya na ako. Binilin niya lang na siguraduhin kong maipasa lahat ng kailangan para wala nang problema.
Nakabusangot na mukha ang sinalubong sa akin ni Micah nang magkita kami sa baba ng building. Nagawa niya pa kong hampasin sa braso.
"Nakakainis ka! Hindi mo na nga sinasagot mga tawag ko tapos pati messages ko, no response?" Bakas ang iritasyon sa kanya. Kung normal na araw lang ito, malamang ay pinatulan ko na ang pagkaclingy niya. Pero iba ngayon...
"Sorry. Pero kahit na gano'n tutulungan mo naman ako sa requirements ko 'diba?" Nagpeke ako ng ngiti. Kailangan kong magpanggap na walang nangyari kanina. Dahil panigurado'y magtatanong siya hanggang pati ang naging pagkawala ko'y kukuwestyunin niya.
Matalim niya akong tiningnan ng ilang segundo bago ngumuso at mahigpit akong niyakap.
"Micah?" Natawa ako sa ginawa niya.
"I hate you. Hindi ka nagparamdam. Akala ko hindi mo na aayusin requirements mo para makagraduate. Ayos ka lang ba talaga?" Nag-aalala ang kanyang mga mata nang tingnan ako pagkakalas ng yakap.
"Yes. Thanks for your concern. Sorry ulit." Hilaw na ngiti ang binigay ko sa kanya.
Sinamahan niya ako sa paglalakad ng ibang requirement. Nagulat nga ako nang sinabi niyang naisabay niya na sa kanya ang ilang kailangan kaya konti na lang rin ang gagawin namin ngayon. At sobrang naappreciate ko lahat ng ginawa niya sa akin.
Nalibang ako hanggang sa maggabi sa pagpila, pagpasa at pagpifill-up. Nawala na nga sa isip ko ang dahilan ng pagkawala ko sa mood kanina at napalitan na lang ng pagod dahil sa buong hapong lakaran.
Gabi na nang makauwi ako sa bahay. Nadatnan ko si Adrian na nasa sala at pabalik-balik ang lakad. Nang makitang nagbukas ang pinto'y dali-dali siyang nagtungo sa akin.
"Fall... let's talk." Imbis na pansinin ang sinalubong niya sa akin ay pinagsawalang bahala ko iyon. Diretso ang naging lakad ko. Kung 'di niya lang ako hinawakan sa braso'y hindi ako hihinto sa paglalakad bago niya maabutang nagbabadya na naman ang luha sa aking mga mata.
BINABASA MO ANG
Fall (In Luv Series#2)
RomanceFall In Luv Series #2 (COMPLETED) BTS Jungkook and Blackpink Jennie's fanfiction chinieanne's story line All rights reserved --- Fall Francheska Del Monte is one of the famous international model. Others think that she got almost of it all--money, b...