29th Fall

190 12 0
                                    

Gusto

Sunod-sunod ang naging pag-iling ko habang nakikitang papalayo sa akin ang lahat ng taong mahal ko. Sinubukan kong tumakbo para habulin sila pero lalo lamang bumibilis ang kanilang paglayo. Bigla na lang akong bumagsak at hindi na makatayo kaya sunod-sunod na bumuhos ang luha ko. Pinapanood na mawala sila sa akin at wala akong magawa. Paulit-ulit akong sumigaw pero tila walang boses na lumalabas sa lalamunan ko.

“’Wag niyo kong iwan!”

“’Wag niyo kong iwan… please.” Bigo kong binaba ang aking kamay nang tuluyan silang mawala. Humagulgol ako ng iyak.

Umiyak ako nang umiyak. Nagmamakaawa na ibalik sila sa akin.

Anong nagawa ko para iwan nila ako? Anong mali sa ginawa ko?!

“Fall…” Isang nag-aalalang boses ang nagpamulat sa akin. Agad akong napabangon at awtomatikong niyakap ang unang taong nakita ko. Mabibigat ang aking hininga habang dinadama kung totoo nga ba ang lahat.

“Don’t leave, please…” Buong magmamakaawang sabi ko. Sunod-sunod na umagos ang aking luha at mahigpit na niyakap ang kasama ko.

“I won’t.” Nag-aalalang sabi niya habang hinahagod ang aking likod. Nagpatuloy pa rin ako sa pag-iyak.

Everything is so vivid and I’m afraid that that was all true.

“Sshhh… You’re just dreaming. Don’t cry, please.” Mas naging mabilis ang paghagod niya sa aking likod at pilit akong pinapatahan. Pero masyadong makatotoohanan iyon para paniwalaan.

“I’m not. Iniwan niyo ko…. iniwan niyo kong mag-isa. Sabay-sabay kayong nawala sa paningin ko.” Sunod-sunod ang naging hikbi ko.

“Ssshhh… no one’s leaving. Stop crying, Fall.”

“S-sinubukan ko kayaong habulin pero…. Pero nawala pa rin kayo. Iniwan niyo ko!” Mabibigat na suntok ang binigay ko sa kanyang balikat. Sinubukan niya akong pakalmahin pero hindi kaya ng mabigat na pakiramdam sa puso ko.

“Hindi ka namin iiwan. Ako, hindi kita iiwan, Fall. I will always stay by your side.” Inalis niya ang pagkakayakap sa akin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi. Nagkatitigan kaming dalawa. Puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata ngunit may kasiguraduhan niya rin akong tiningnan.

“I’m… I’m s-scared.” Humihikbing sabi ko.

“Ssshhh… Fall, listen. I will not leave you. Tingnan mo ko.” Natatakot kong sinalubong ang kanyang tingin.

“I’m here, right? Nakikita mo ako. Hindi kita iniwan. What you saw was just your dream. A nightmare. Hindi mangyayari iyon. Nandito pa rin ako.” Sabi niya habang nakatitig sa aking mga mata. Natatakot man ay tumango ako.

“Tama ‘yan. Maniwala ka sa akin. Hindi kita iiwan.” Dahan-dahan akong tumango. I saw my reflection in his eyes.

“Promise?” Parang bata kong sabi. He nodded then smile.

“I promise.” Muli akong yumakap sa kanya habang pinipilit ang sarili na pigilan ang paghikbi.

Siya pa lang ang sigurado kong hindi ako iniwan. All of them left me in my dream. My mom, dad, brother, Micah, friends and Adrian. Natatakot ako dahil iniwan na talaga ako ni mommy sa totoong buhay at hindi ko kakayanin kung lahat sila mawawala.

“Nilalagnat ka. Kailangan mo nang bumalik sa pagtulog.” Nag-aalangan akong kumalas sa pagkakayakap.

“I will be here until you sleep. Babantayan kita.” He caressed my cheeks.

Fall (In Luv Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon